Vic Sotto, di pabor sa pagkuha ng bagong kapareha ni Maine Mendoza

by PEP Troika
May 17, 2019

GORGY RULA: Hindi pa kailangan ni Maine Mendoza ng panibagong love interest sa sitcom nilang Daddy’s Gurl.

Ito ang tingin ni Vic Sotto na bida rin sa naturang sitcom ng GMA-7.

May usap-usapan kasing ire-reformat ang Daddy's Gurl, at isa raw sa pinag-iisipang pagbabago ay hanapan ng ka-partner si Maine.

Pero kung si Bossing Vic ang tatanungin, hindi pa ito panahon.

Nandiyan pa rin ang AlDub at marami pa rin daw ang sumusuporta sa naturang love team nina Maine at Alden Richards.

“May mga paminsan-minsan naman, may mga episode kami na nagkakaroon siya ng parang love interest.

"Pero on a regular basis, siguro hindi pa muna.

"Siguro, sa mga darating na episode, para maiba naman yung takbo ng istorya.

"Kasi mahirap na, e, dahil may kanya-kanya silang manok ang mga manonood, e.

"Siguro at this point, neutral muna tayo.

"Para sa akin naman kasi, ang AlDub, e, hindi naman mawawala yun, e.

Continue reading below ↓

"Kahit na sinong maka-partner nila, AlDub pa rin yun, hindi na mawawala yun," pahayag ng Eat Bulaga! host nang nakapanayam namin sa aming programa sa DZRH.

JERRY OLEA: 200th weeksary at 46th monthsary ang ipinagdiwang ng AlDub Nation nitong Mayo 16, Huwebes.

Dalawang buwan na lang at mag-aanibersaryo na ang ADN.

Sa panahong iyon ba nalalapit ang showing ng KathDen movie?

Sa tamang panahon, magaganap ang dapat maganap.

Magigising ang nagtutulug-tulugan, at mahihimasmasan ang nagbubulag-bulagan.

NOEL FERRER: May value ang pagbabalik-tanaw, basta hindi ito makakasagabal sa pag-usad sa hinaharap.

Phonomenal ang AlDub, pero mukhang nag-aabang na tayo ng LEVEL UP at NEXT CHAPTER!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results