NOEL FERRER: Dumarating nga siguro sa mga tumatandang aktor na kailangang subukan nila ang kanilang asim sa mga batang puwedeng bumigay sa kanila.
Katulad na lamang ng apat na aktor na ito...
Ang unang aktor na sikat noon ay kilala na iba’t ibang talents ang kasama sa tent ng kanyang teleserye.
Ang pangalawang aktor naman ay hindi umubra ang pagpapatulog sa isang lady boss sa kanyang hotel room. Sinagot siya ng executive ng: “Kuya, nakakahiya naman, pangit ako sa umaga.”
Ang ikatlong aktor ay kilalang ma-bukol at mahilig mag-take home ng talents nila sa isang show noon.
Ang pang-apat naman ay hindi kaguwapuhang komedyante, pero matinik din at “talent killer” ang tawag.
Ang puhunan nila, sweet talk, at ayun... bumibigay naman ang ibang willing victim.
Ngunit may karma at nakakahanap din sila ng katapat.
Sana lang, hindi sila mahuli ng kani-kanilang asawa, at hindi maging bayad-utang ang kanilang mga anak.
GORGY RULA: Usap-usapan na pala sa TV network itong kayguwapong aktor at lady boss.
Ang dami nang nakakaalam, pati ang dating asawa ay alam na rin at parang nandiri sa ginawa ni aktor.
Kung totoo itong drama ni 'gifted' na aktor, hindi pa rin ba siya nadadala?
Itong si komedyante naman ay kagrupo ba siya ng isang direktor na mahilig makipag-date sa mga seksing talent?
JERRY OLEA: Sexual harassment ba ang mga ito? O case-to-case basis dapat ang pagtitimbang natin?
Iba ang kulturang Oriental sa kagawian ng mga kanluranin.
Marami pa ring Pinay ang willing victim.
Meron ding umaangal at dumudulog sa korte, gaya ng isang babaeng taga-showbiz na nakaranas ng kahalayan sa isang kaibigang male TV host.
Walang nangyari sa reklamo ng babae sa korte, at ipinasa-Diyos na lang niya ang lahat.
Makalipas ang ilang taon ay nagkabati sila, pero hindi na maibabalik ang tamis ng kanilang pagkakaibigan.