Jimmy Bondoc, bibigyan ng abogado ang sexual harassment victims diumano ng major network

by PEP Troika
May 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Pasabog ang post ni Jimmy Bondoc nitong Mayo 22, Miyerkules ng hapon, kaugnay sa pinakamalaking TV network ng bansa na inihalintulad niya sa lungaw ng mga ahas.

“You have COUNTLESS VICTIMS, from sexual harassment to plain and simple bullying,” sabi ni Jimmy, na kasalukuyang Assistant Vice President for Entertainment ng PAGCOR.

Pumalag ang mga Kapamilya at dinalirot ang patutsada ng mang-aawit.

Post ni Jimmy nitong Mayo 23, Huwebes ng hapon: “Iniimbita ko po ang LAHAT ng mga nagkwento na sa akin DATI PA ng mga personal horror stories nila ng Sexual Harassment sa major networks; pati na rin ang mga natatakot mag-report pero nakapailalim ngayon, o sumailalim noon sa masidhing pressure na ‘sexual harassment in nature.’

“Bibigyan ko po kayo ng abogado if valid, wala po kayong gagastusin. Consider this a social contract.”

GORGY RULA: Nagsimula sa isyu ng renewal ng franchise ng ABS-CBN, napunta ang usapin sa sexual harassment.

Continue reading below ↓

Pumiyok si Angel Locsin na sinagot din agad ni Jimmy.

Sabi ng Kapamilya executive na si Deo Endrinal: “Thousands of us working in ABS-CBN are thankful for the many opportunities. I think you should be thankful too. #ThePowerOfGratitude."

May ilang taga showbiz din ang bumatikos sa post na yun ni Jimmy, na hindi man lang daw iniisip ang mga taong mawawalan ng trabaho kung talagang totohanin ng presidente na hindi ire-renew ang franchise ng naturang network.

Pero pagdating sa isyu ng sexual harrasment, may pagdududa ang ilang komento.

Ewan kung lalaki pa ito, dahil wala pang nagsasalita kung nabiktima ba sila.

Bago pa ba ito?

NOEL FERRER: Kaalinsabay ng mga pasabog ni Jimmy ang 65th anniversary tribute posts ng mga Kapamilya.

Gratitude ang ipinamukha ng ibang Kapamilya kay Jimmy na naging Star Records artist, nag-guest sa ASAP at iba pang variety shows nito, at naging judge pa sa Twist And Shout.

Continue reading below ↓

For sure, bago nagparunggit sa FB, hindi na naghahangad si Jimmy na magtrabaho sa Kapamilya network.

Tama si Gorgy, how far will his allegations go—at kung may aamin kaugnay sa sexual harrassment at contests rigging, tingnan natin kung saan hahantong ito.

Ngayon pa lang ay umiinit na ang usaping franchise renewal ng ABS-CBN. Mukhang pinghahandaan nila ito kaya marami silang alternative measures.

Pero teka, ano kaya ang reaksiyon dito ng loyal FPJ’s Ang Probinsyano viewers at iba pang maka-Kapamilya?

JERRY OLEA: Huwebes ng gabi, May 23, nag-post muli si Jimmy sa FB:

“One day, soon, I hope, entertainment and entertainers in the country will exist with more dignity.

“It won't benefit just the upper crust. It will benefit even the entertainment laborers, unknown and struggling artists.

“Innovation will prosper, and will not succumb so easily to the pressures of moneymaking nor disadvantageous deals.

Continue reading below ↓

“The artists will be real ambassadors of the country, representing a distinct culture that is unmistakably Filipino, but that which caters to global audiences.

“The government will support and fund it, as I imagine it now. It will be under the guidance but not the stifling control of good agencies, intertwined with Tourism, with Trade, and other pertinent agencies.

“News outfits will be held accountable, and will operate on proper rules and codes of ethics.

“Contests will be fair. We will find the best of the best. And these selected few will be promoted for all the world to see, the beauty of the Filipino.

“Everyone else will migrate.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results