Jimmy Bondoc, handa sakaling umabot sa demandahan ang mga banat niya sa ABS-CBN

by PEP Troika
May 28, 2019
PHOTO/S: Jimmy Bondoc Facebook

GORGY RULA: Pinaghahandaan ni Jimmy Bondoc ang posibleng demandang aabutin niya sa isyu niya sa ABS-CBN dahil sa mga ipinost niya sa Facebook simula Mayo 22, Miyerkules ng hapon.

Isa sa mga isyung inungkat niya ay ang sexual harassment na hindi muna isisiwalat ng VP for Social Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR.

Sabi ni Jimmy nang mainterbyu namin sa DZRH program namin ni Morly Alinio na Showbiz Talk Ganern nitong Marso 27, Lunes ng gabi, “May ire-reserve muna ako na meron ako na konti na mga fact, ano?

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na there is a possibility na maging kaso ito.

"Malamang hindi, ipagdasal ng lahat na hindi.

"Pero kung sakaling maging kaso iyan, nakahanda naman kami.

"I-withhold ko muna ang ibang bagay, kasi that is a legal matter."

Dagdag niya, "Pero ako po ba ang unang narinig ninyo na nagkuwento ng ganyan tungkol sa network na iyan?

Continue reading below ↓

"Tao sa tao po—with all due respect sa lahat ng tatamaan—ako po ba ang unang naringgan sa kuwentong iyan?"

May nakakausap na raw siyang mga kaibigang abugado na willing tumulong sakaling umabot ito sa demandahan.

Paninindigan ni Jimmy ang sinabi niyang tutulungan niya ang kung sino man ang lalabas na nabiktima.

Pero ayaw muna niyang idetalye ang tungkol dito, dahil alam niyang maraming masasagasaan sa isyung ito, mahirap kapag naging legal na ang usapin.

NOEL FERRER: Ayaw nating maghalu-halo ang isyu.

Iba ang issue ng franchise renewal sa issue ng sexual harassment at contest rigging.

Si Jimmy na kaya ang magtsa-champion ng #MeToo movement dito sa ‘Pinas, na sabi mo noon ay mahirap makahanap ng tagapagtaguyod dahil maselan ang nature ng ganitong akusasyon?

Let us see where this issue leads to.

JERRY OLEA: Kung may mga biktima ng sexual harassment, ano pa ang hinihintay nila?

Continue reading below ↓

Ang mga “willing victim” ba ay mga totoong biktima ng pang-aabuso o exploitation?

Napakaraming gustong makapasok sa showbiz, at handa silang magbayad ng “tuition fee” mabigyan lamang ng pagkakataong matamasa ang kasikatan.

Vindication para kay Jimmy sakaling mapuksa ang sistema ng sexual harassment sa local showbiz.

Read Next
Read More Stories About
Jimmy Bondoc, ABS-CBN
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jimmy Bondoc Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results