Model-actress, nakipag-break sa model-actor dahil sa kanyang ina


GORGY RULA: Nakialam na ang mommy ng magandang model-turned-actress nang nalaman niyang boyfriend na ng anak niya ang guwapo at matangkad na model-actor na sumali sa isang reality show.

Sabi ng mommy ng baguhang aktres, hindi sa minamaliit niya si matangkad na aktor, pero nakikita niyang walang future ang anak sa lalaking ito.

Kaya ginawan ng paraan ni mommy na maghiwalay ang dalawa.

Palibhasa mabait si baguhang aktres at masunuring anak, sinunod niya ang kagustuhan ng ina na makipag-break na lang sa kanyang boyfriend.

Ang mahalaga kay model-turned-actress, okey sila ng pamilya niya at hindi na nila ito pag-aawayan ng kanyang mommy.

Ewan ko kung paano nalaman ni mommy na ang anak pa niya ang nagbayad sa dinner nang minsang lumabas sila ng actor-boyfriend.

Parang mas kumikita pa ang anak niya kahit bago pa lang ito sa showbiz kesa kay matangkad na aktor dahil wala itong regular show at hindi alam kung ano ang itatakbo ng career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya natapos agad ang relasyong ito.

Ngayon ay may bagong boyfriend uli si baguhang aktres—ang guwapo ring singer-actor na nasangkot sa isang gulo kamakailan.

Dahil sa gulong yun, medyo naalarma na naman si mommy.

Hindi naman daw niya pinapakialaman, pero nakabantay lang siya dahil naloka siya sa kinasangkutang gulo ni singer-actor.

Mabait daw at magalang si singer-actor. Nakikita rin niyang promising ang career nito kaya alam ni mommy na kaya nitong magbayad ng dinner.

Kaya nakatutok lang siya, pa-watch-watch lang, nakikiramdam, hindi pa pinapakialaman ang relasyon ng dalawa.

JERRY OLEA: Sarap-sarapan ang matangkad na model-actor, maski itanong pa ninyo sa magaling na fashion director.

May nakarelasyong reality starlet si model-actor, at masalimuot ang paghihiwalay nila.

Ang singer-actor na kasalukuyang BF ni model-turned-actress, mukhang may future. Promising. Literally and figuratively or what-have-you.

Kaya dapat na behaved na lang muna si mommy.

Maya-maya, baka jackpot pala ang kanyang future son-in-law!

NOEL FERRER: Starlets!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago magka-issue sa mga ito at mag-attitude sa isa’t isa, sana ay makilala muna sila sa kagalingan nila.

Please lang, Mommy.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN