Vice Ganda at Anne, makakatapat sina Coco, Jennylyn, at Ai-Ai sa MMFF 2019?

by PEP Troika
May 31, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Importante ang araw na ito bilang deadline ng dalawang significant festival ng ating bansa.

Mayo 31, Biyernes, ang deadline ng scripts para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), now on its 45th year, coinciding with the year-long centennial celebration ng Philippine Cinema.

Hanggang 5:00 p.m. lang ang submission sa MMFF Secretariat, sa third floor ng Metro Manila Development Authority (MMDA) office.

Today din ang deadline ng letter of intent ng music acts para sa second Pinoy Playlist Music Festival.

Kailangan lang mag-email ng letter of intent to pinoyplaylist@artsatbgc.org.

Excited ako sa mga sasali. Pero hindi lang the more, the better.

Sana talaga, magagaling ang mga matatanggap na entries na tatangkilikin ng Filipino audience!

JERRY OLEA: Ngayon din sana ang deadline ng Film Development Council of The Philippines (FDCP) para sa lima pang slots sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na gaganapin sa Setyembre.

Extended hanggang Hunyo 15 ang pagsusumite para sa mga pelikulang tapos na o nasa post-production stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang tatlong entries na nakapasok dito ay ang LSS: Last Song Syndrome (Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Ben & Ben), Cuddle Weather, at The Panti Sisters (Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario).

Siyempre, kaabang-ang ang mga naulinigan nating aspiring entries sa MMFF 2019, sa pangunguna ng unkabogable fantasy-zombie movie nina Vice Ganda at Anne Curtis. Llamado ito sa takilya!

Nandiyan din ang horror-comedy nina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai Ai de las Alas.

Ang follow-up ng Heaven’s Best sa Rainbow’s Sunset na humakot ng awards—Isa Pang Bahaghari nina Christopher de Leon, Nora Aunor, at Tirso Cruz III. Si Joel Lamangan ulit ang direktor nito.

Sana, pasok sa banga ang Magikland nina Direk Peque Gallaga at Direk Lore Reyes.

GORGY RULA: Kaabang-abang itong darating na MMFF 2019 dahil maraming malalaking pelikula ang nagnanais na makapasok sa Magic 8.

Mahigit isang taon ding ginagawa nina direk Peque Gallaga at Direk Lore Reyes ang fantasy na Magikland.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang isa pang narinig ko ay dito na rin isasali ni Direk Brillante Mendoza ang Mindanao, na first movie ni Judy Ann Santos sa Cannes best director, at kasama rito si Allen Dizon.

Kaya abangan natin sa July 5 ang announcement ng apat na script na mapipili para sa naturang film fest.

Kagaya ng MMFF, commercial viability din daw ang isa sa criteria ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino.

Karamihan ay indie films ang isinasali rito, pero mas gusto rin sana nina Liza Diño ng FDCP na may commercial appeal.

Sabi pa ng FDCP chair, ang isa sa gusto sana nilang matupad ngayong taon bago mag-MMFF ay mabuo na ang policies na layuning protektahan ang ating local films.

Nakakabahala na kasi ang sunud-sunod na flop ng mga pelikulang ipinapalabas.

“Isa iyun sa ina-address namin na issue. We are hoping to come out [with] our policy, guidelines para talagang mabigyan ng gabay ang ating industriya para matulungan natin ang filmmakers natin para tuluy-tuloy ang pagpapalabas nila sa mga sinehan,” pahayag ni Liza nang nakatsikahan namin sa DZRH kamakalawa nang gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, may maitutulong ang mga bagong halal na pulitiko dahil hindi prioritized ang ating movie industry.

“Hangga’t ako ang chair ng FDCP, kakatok ako sa lahat ng pinto para lang talagang mabigyan ng pansin ang industriya natin.

“Because Philppine cinema is the soul of our country. That’s where we celebrate our stories and share our stories to the world.

“So, dapat talagang bigyan natin iyan ng importansya,” sabi pa ni Liza.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results