Misterio de la Noche ni Adolf Alix Jr., nabili sa Cannes

by PEP Troika
Jun 1, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Kauuwi lang ni Direk Adolf Alix Jr. mula sa Cannes, ang pinaka-prestigious filmfest sa buong mundo.

May magandang balita siya kaugnay sa mananaggal movie niyang Misterio de la Noche, na pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Benjamin Alves.

“Yung Misterio de la Noche is picked up by Reel Suspects, a French sales company.

Continue reading below ↓

"Sila na po ang magbebenta ng rights outside of the Philippines,” kuwento ni Direk Adolf nang maka-chat namin sa Messenger nitong Mayo 31, Biyernes ng gabi.

“It was launched and presented to potential buyers sa Marche du Film of the Cannes Film Festival.

“We will definitely release it this year after po mag-premiere in an international film festival soon.”

Teka! Kumusta na iyong launching film ni Tekla na supposedly ay Mayo 22 ang playdate?

Kailan na ipapalabas ang nasabing movie, kung saan nakaw-eksena sina Ai-Ai de las Alas at Clint Bondad?

Continue reading below ↓

Kiko En Lala po was pushed to a later date this year, I think, by GMA’s Backyard Productions to give time po sa special effects and to find a good playdate for the film,” sabi ni Direk Adolf.

GORGY RULA: Maganda itong pagdala ng pelikula ni Direk Adolf Alix sa Cannes dahil sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño, spotlight country raw tayo ngayon sa Cannes Producers network.

“Isa ito sa malaking industry event ng Cannes kung saan lahat ng international producers galing sa ibang bansa, nagkakakilala para magkaroon ng opportunity para mag-partner, co-production, mag-invest sa pelikula ng isa’t isa,” pahayag ni Liza.

Kaya napansin itong Misterio de la Noche para i-distribute sa ibang bansa.

“It’s so humbling na I was able to bring these top independent producers natin and even ABS-CBN and other producers—APT, Idea First, Globe Studio, Spring Films.

Continue reading below ↓

"They’re all there para i-represent ang Pilipinas, and ibang klase na nakikita sa ibang bansa na they’re representing Philippines as one.

“Nagkakaisa silang mga producers para i-represent yung Philippines,” dagdag na pahayag ni Liza.

Iba raw kasi ang impression ng mga pelikula natin sa international market dahil karamihan ng Asian countries ay mahigpit ang censorship.

Pero kapag Pinoy film, nakikita raw nilang matapang ito at malayang naipalalabas ang gustong gawin ng direktor.

I’m sure, nakita nila sa pelikula ni Direk Adolf na mapangahas ito at kakaiba.

JERRY OLEA: Inaabangan din namin ang isa pang obra ni Direk Adolf, ang My Stepmother’s Lover, kung saan naka-kissing scene ni Kiko Estrada sina Sunshine Cruz, Pinky Amador, at Chanel Morales.

Nakakaintriga rin ang dynamics dito ni Kiko with Martin del Rosario.

Continue reading below ↓

Proud na proud si Kiko sa nasabing movie, at henyo ang turing niya kay Direk Adolf.

Buo ang tiwala ni Kiko kay Direk Adolf kaya napapayag siya nitong maghubad sa pelikula.

“This year din po ilalabas ang My Stepmother’s Lover. Playdate na lang din po ang inaayos,” pahayag ng napaka-prolific na direktor.

Siyanga pala, nabalita sa Variety na ang mystery horror ni Direk Adolf na The Time That Remains ay isa sa 19 genre projects na ipe-present ng project market na NAFF sa Buncheon International Fantastic Film Festival (BiFan), na gaganapin sa Hunyo 27-Hulyo 7 sa South Korea.

Ang sampung araw na BiFan ang pinakamalaking genre film event sa Asya.

“Pupunta po ako to pitch the project this end of June sa Bucheon,” say pa ni Direk Adolf.

NOEL FERRER: Nag-text ako kay Direk Adolf kung nag-submit siya ng entry sa Metro Manila Film Festival this year.

Continue reading below ↓

Kasi, kung hindi, ito-toss ko dapat ang pangalan niya for consideration sa screening committee, pero waley siya sa pagkasagot.

Iyang Solenn-Benjamin horror movie ay long overdue na.

Sinubmit iyan for consideration for last year’s MMFF.

Oh well, Adolf is such a prolific director, he never runs out of projects.

Excited ako sa Anita Linda movie niya na Circa.

Dahil si Tita Alice (totoong pangalan ng 94-anyos na si Anita) ang isa sa important muses ni Direk Adolf.

Hindi ba’t ang Adela (2008) na totoong pangalan ng yumaong ina ni Adolf ay ipinagkatiwala niya kay Anita?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results