Gloria Romero at Eddie Garcia, tinalo nina Kathryn, Sarah, Ogie

by PEP Troika
Jun 3, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

GORGY RULA: Narinig ko ang usapan ng dalawang beterano at kilalang aktor tungkol sa mga awards night nitong Hunyo 2, Linggo, sa 35th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Napansin nilang ang laki na ng ipinagkaiba ng awards night ngayon kumpara noong araw.

Dati, talagang malalaking artista ang mga dumadalo at pinaghahandaan ito nang husto.

Ngayon, parang hindi na ito gaanong pinapansin ng mga kilalang artista.

Narinig ko rin ang usap-usapang tinimbrehan na ang winners para personal nilang matanggap ang kanilang award.

Pero no-show si Sarah Geronimo na ka-tie ni Kathryn Bernardo sa Best Actress award.

Wala ang Best Supporting Actor na si Arjo Atayde dahil nasa Singapore ito kasama si Maine Mendoza.

Wala rin ang Best Supporting Actress na si Cherie Gil na nasa musical stageplay niya na Kundiman Party noong mga oras na iyun.

Nang dumating si Ogie Alcasid kasama si Regine Velasquez, ramdam ko nang siya ang magwawaging Best Actor para sa pelikula niyang Kuya Wes.

Continue reading below ↓

Kaya parang gusto ko na sanang bulungan si Tito Eddie Garcia na puwede na siyang umuwi pagkatapos siyang parangalan bilang isa sa recipients ng special award na Natatanging Bituin ng Siglo.

Kahit si Tita Gloria Romero, na isa rin sa pinarangalan, ay naghintay rin hanggang sa matapos dahil nominado siya sa Best Actress category.

Isa sa pinaka-touching na bahagi ng awarding ang paggawad ng parangal sa labindalawang stars na tinawag nilang Natatanging Bituin ng Siglo bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema.

Personal na tinanggap ang award nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Christopher de Leon, Phillip Salvador, Tirso Cruz III, Niño Muhlach, at Ramon Revilla Sr.

Continue reading below ↓

Hindi nakadalo sina Vilma Santos, Susan Roces, Anita Linda, Mayor Joseph Estrada, at Nora Aunor.

Si Marion Aunor ang pinakiusapan ni Ate Guy na tumanggap at si Direk Adolf Alix ang inatasang tumanggap ng kay Anita Linda.

Ang iba, deadma na.

Kaya si Senator Bong Revilla, na umalalay sa daddy niya, ang tumanggap ng kay Mayor Erap.

Continue reading below ↓

Si Maribeth Bichara na kasama sa production staff ang tumanggap ng kay Cong. Vi.

Si Niño na lang ang tumanggap ng kay Susan.

Maganda ang bahaging iyon kung saan kinantahan sila ni Martin Nievera at standing ovation ang audience.

Sobrang natuwa si dating Senator Ramon Revilla Sr. dahil hindi pa raw pala siya nakalimutan ng showbiz.

Naiyak pa si Niño nang kumanta si Martin.

Kaya maganda sana ang buong seremonya kung hindi na lang tinawag ang ‘no shows’.

Sana, binanggit na lang ang awardees na wala roon at walang pinapuntang tatanggap ng parangal.

JERRY OLEA: Wagi sina Arjo, Ogie, Sarah, at Kathryn para sa kani-kanyang pelikula na ipinalabas noong Agosto 2018.

Agosto 1 ipinalabas ang BuyBust, kung saan nag-best supporting actor si Arjo.

Agosto 3 nag-umpisa ang 14th Cinemalaya filmfest, kung saan isa sa 10 official entries ang Kuya Wes ni Ogie.

Agosto 22 nag-showing ang Miss Granny, kung saan nag-best actress si Sarah.

Continue reading below ↓

At Agosto 29 itinanghal ang The Hows Of Us (THOU), ang pinakamalakas na Pinoy film last year, at maging all-time (hindi adjusted sa inflation).

Sa THOU nag-best actress si Kathryn.

Sina Arjo, Ogie, Sarah, at Kathryn ay pawang Kapamilya.

Ang delayed telecast ng 35th Star Awards for Movies ay sa Hunyo 16, Linggo, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Siyanga pala, ang best supporting actress ay ang sakdal husay na si Cherie Gil para sa Citizen Jake.

Kapuso si Cherie, isa sa tatlong hurado ng bagong season ng StarStruck.

Ang Citizen Jake ay noong Mayo 23, 2018 ipinalabas sa mga sinehan.

NOEL FERRER: Basta napakasayang umuwi ni Iza Calzado kagabi dahil isinalin niya ang korona (bilang best actress sa Bliss last year) sa co-host niyang si Kathryn Bernardo at kay Sarah Geronimo na no-show. Sayang!

At nagwagi pa si Iza na Star of the Night kaya kinikilig niyang sinabi sa stage na, “At least, ito, may cash prize.”

Continue reading below ↓

Congratulations sa mga nagsipagwagi. Until the next award!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results