Daniel Padilla, proud na proud sa Star Awards hosting job ni Kathryn Bernardo

by PEP Troika
Jun 3, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

GORGY RULA: Bukod sa pagkapanalo ni Kathryn Bernardo bilang Best Actress sa 35th PMPC Star Awards for Movies, proud na proud si Daniel Padilla sa hosting job ng kasintahan.

“Nakita ninyo, walang buckle. Nag-speech lesson pa iyan kanina bago pumunta rito.

"Gusto niya, walang mamali, walang maling bigkas.

“Talagang sabi ko nga sa inyo, si Kathryn, E, talagang tinatrabaho niya talaga.

“Mahusay siya talaga,” pagmamalaki ni Daniel.

Medyo matagal na kasing hindi nakapag-host si Kathryn sa mga ganoong event.

Ang huling paghu-host ni Kathryn ay sa Himig Handog ilang taon na ang nakararaan.

Kaya pinag-aralan ni Kathryn nang husto qng paghu-host niya sa Star Awards para di raw siya mapulaan.

Ani Kathryn, “After ng Himig Handog, ilang years na, doon lang uli nasundan.

“Kaya pala pinipilit nila ako, pati sa gown kung puwede… idinaan ko sa teacher ko kung tama ba yung sasabihin ko, kung tama ba yung pause, kung tama ba yung pag-pronounce ko ng mga ‘to. So, na-enjoy ko,” saad ni Kathryn.

Continue reading below ↓

“Tinulungan pa ako ni Ate Iza [Calzado], Robi [Domingo]... lahat sila, si Ate Gelli [de Belen].”

Nasanay na ba siya sa hosting at okay na ba siyang mag-host ng isang programa?

“More practice pa siguro. Kasi, kinakabahan nga ako, nanginginig nga ako kanina,” parang nahihiya pang sagot ni Kathryn.

JERRY OLEA: Nagwagi ang KathNiel bilang Movie Loveteam of the Year para sa phenomenal movie nilang The House Of Us.

Nominado rin si Daniel na best actor sa Star Awards for Movies, pero mas gusto niya siyempre na ang kasintahan ang magwagi.

Inaasam nating pam-best actress din ang akting ni Kathryn sa movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye (HLG).

Ang sabi ng kaibigang Roxy Liquigan (head ng ABS-CBN Star Music) na nakapanood ng rough cut ng HLG noong Mayo 31, Biyernes, napakahusay nina Kathryn at Alden sa movie.

Crayola Pagaspas si Roxy sa ending ng movie.

Aniya pa, “Masakit sa lalamunan! Hu! Hu! Hu! Hu!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hindi ba’t si Kathryn naman talaga ang hinulaan nating mananalong Best Actress sa 35th Star Awards for Movies, mga Ka-Troika?

She is really diligent! At oo, inaaral niya ang lahat.

At kung paniniwalaan natin ang sinabi niyang hindi niya ini-expect ang award niya, e, napakagaling niya sa parang memorized na extemporaneous speech niya kagabi, ha!!!

Mabuhay ka, Kath!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results