GORGY RULA: Masaya ang mga taga-Dear Uge dahil nakabawi na sila sa rating noong Hunyo 2, Linggo.
Matagal din itong tinatalo ng katapat na Banana Sundae, pero noong Linggo ay nakakakuha ito ng 5.4%, at 4.5% ang Banana Sundae, ayon sa AGB NUTAM.
Ang Sunday PinaSaya na tinalo ng ASAP Natin ‘To noong May 26 ay nakabawi rin.
Ayon sa AGB NUTAM, nakakuha ng 5.9% ang SPS, at 5% naman ang ASAP.
Sa primetime ay waging-wagi pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho at Amazing Earth ng GMA-7.
Pero consistent pa ring mataas ang Idol Philippines, na tinatalo ang katapat na Daddy’s Gurl tuwing Sabado at Studio 7 sa Linggo.
Noong Linggo, ang 24 Oras Weekend ay naka-5.1% ito, at 4.6% ang TV Patrol.
Naka-7.1% ang Amazing Earth, na lamang sa 5.2% ng Goin’ Bulilit.
Dumikit ang Daig Kayo ng Lola Ko na 8.1% sa Hiwaga ng Kambat na 8.4%.
11.4% ang Idol Philippines, at 8.1% lamang ang Studio 7.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-16%, at 7.8% lamang ang Rated K, at 4.1% ang PBB Otso.
5.1% naman ang The Boobay and Tekla Show, na lamang uli sa Gandang Gabi Vice na nakakuha ng 4.7%.
JERRY OLEA: Buo ang dignidad ng MMK episode nina Irma Adlawan at Agot Isidro noong Hunyo 1, Sabado ng gabi.
Ayon sa National TV Rating (Urban + Rural) ng Kantar Media, ito ang No. 1 program noong araw na iyon sa itinala nitong rating na 28.4%, kontra sa Magpakailanman na naka-18%.
Pumangalawa lamang noong Sabado ang pinag-uusapang Idol Philippines na naka-25.7%, kontra sa Daddy’s Gurl na naka-17.6%.
Noong Hunyo 2, Linggo, undisputed leader ang Idol Philippines na naka-28.7%, kontra sa Studio 7 na naka-14.9%.
Taob ang Rated K na naka-19.1%, maging ang PBB Otso na naka-9%, kontra sa pinaka-bonggacious na Sunday program ng GMA Network, ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-25.7%.
Pangatlo sa pinakamataas ang rating noong Linggo ang Hiwaga ng Kambat na naka-23.2%, kontra sa Daig Kayo Ng Lola Ko na naka-16.1%.
Sa episode na ito ay matapang si Iking (Edward Barber) sa effort niyang iligtas sa panganib ang kinikilalang ina.
Ang ASAP Natin ‘To ay naka-12.1%, kontra sa Sunday Pinasaya na naka-9.7%.
Ang Banana Sundae ay naka-11.4%, kontra sa Dear Uge na naka-9.9%.
Ang Goin’ Bulilit ay naka-15.2%, kontra sa Amazing Earth Featuring The Hunt 14%.
Ang Gandang Gabi, Vice ay naka-8.6%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-7.1%.
NOEL FERRER: Aabangan ko pa rin kung ano ang gagawin ng Rated K para makaagapay sa Kapuso Mo, Jessica Soho in terms of content and ratings.
Basta ako lagi, dapat ang audience ang panalo.
Patuloy dapat na pinagaganda ang mga panoorin sa telebisyon.
Kasi, di ba, may alternative nang Netflix, iFlix, at iWant?!