Balik-tambalang Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta, may asim pa kaya?

by PEP Troika
Jun 8, 2019

JERRY OLEA: Dahil hiwalay na si Romnick Sarmenta kay Harlene Bautista makalipas ang dalawang dekadang pagsasama, maraming mga hopia na magkabalikan ang aktor at si Sheryl Cruz.

“Meron akong 32 friend requests, ‘Puwede, kayo na lang?’ Hahahaha!” natatawang kuwento ni Romnick sa mediacon ng pelikulang Clarita noong nakaraang Linggo, Hunyo 2, sa Victorino’s resto sa 11th Jamboree St., Quezon City.

“Sabi ko, ‘Huwag kayong ano!’ Masaya yung tao.

“Nakakatuwa na very supportive pa rin sila, di ba? Pero I also think that’s a...

“I never answered any of them. Kasi, pag sumagot ka, it’s kind of dangerous. Di ba?

“People will play it up, you know? I mean, for all it’s worth, Sheryl naman is very quiet now. And she has her own private life.

“And kahit ano pa yon, kunyari sabihin natin na nangyari, na nag-usap kami ulit for whatever reason, people are just gonna twist it around, and then somebody is going to say something wrong, sasabihin, ‘E, yan naman kasi talaga dapat! Dapat ganito! Dapat ganyan!’

Continue reading below ↓

“And makakarating sa mga anak namin pare-pareho.”

Matagal na pala mula noong huli silang nagkita ni Sheryl.

Napakunot-noo si Romnick, “Iyong huli? As in sobrang tagal na.

“Parang Master Showman pa yata, bago mawala si Kuya Germs. Iyong mga ganung panahon.”

May TV guesting sana sila noon sa GMA-7 pero hindi natuloy.

Nang mag-offer ang Kapuso Network, may ginagawa na si Romnick sa ABS-CBN.

Hindi niya ipinangampanya si Sheryl nang tumakbo itong konsehal sa Maynila nitong nakaraang eleksyon.

Katuwiran ni Romnick, “Una, taga-Quezon City ako. At hindi ako nagkampanya kahit kanino.”

NOEL FERRER: May asim pa ba ang tambalang Sheryl at Romnick?

Hindi natin malalaman hanggang hindi natin nasusubukan.

Wala na iyan kay Harlene na masaya na rin sa kanyang buhay.

Bubuhayin pa ba natin ang panahon nina Peping at Pardina, o huwag na?

Ako naman, why not? Para naman may bagong-luma tayong kaaaliwan.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Open na si Harlene Bautista sa bago niyang karelasyon.

Tahimik lang iyung lalaki. Base sa mga pakikipag-usap namin noon kay Harlene, parang meron na rin si Romnick, e.

Inaamin na ba ni Romnick, kahit minsan ay nahuli siyang may kasamang girl sa isang event?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results