Inside StarStruck, mapapanood na online simula June 10

by PEP Troika
Jun 9, 2019

GORGY RULA: Magsisimula ang online show ng StarStruck na pinamagatang Inside StarStruck bukas, Lunes, Hunyo 10.

Si Kyline Alcantara ang host nito kung saan mapapanood ang mga behind-the-scene footages ng mga nag-audition at ilan pang highlights sa naturang talent-reality search.

Dito sa online show na ito ay unang iri-reveal ang top 22 ng StarStruck hopefuls.

Dito rin mapapanood ang ilan pang drama at interview sa mga nag-audition na hindi mapapanood sa TV show.

Sa June 15 pa ito magsisimula sa TV na ihu-host ni Dingdong Dantes kasama si Jennylyn Mercado.

Sabi ng ilang taga-StarStruck, interesting ang mga komento at partisipasyon ng tatlong judges na tinawag nilang StarStruck Council na sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil.

Sa mga interesadong mapanood ang online show na Inside StarStruck, puwede na kayong mag-subscribe sa YouTube channel ng naturang programa.

NOEL FERRER: Kaabang-abang itong talent search ng GMA na bagong edisyon ng StarStruck.

Continue reading below ↓

Nasusubaybayan ko rin ang makulay na PBB Otso.

Magandang abangan kung alin sa dalawang talent search ang makakapag-produce ng susunod na iidolohin hindi lang sa TV kundi sa pelikula, commercials at kung saan-saan pang media-platforms.

JERRY OLEA: More and more ang nangangarap makapag-artista, kaya hindi mauubusan ng gustong mag-PBB o mag-StarStruck.

Dapat mag-level up iyong mga datihan or else, pupulutin sila sa kangkungan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results