Indie actor, nag-pose nang nude sa harap ng 30 artists

by PEP Troika
Jun 9, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: Nag-pose muli nang walang saplot ang indie actor na si JM Martinez sa harap ng humigit-kumulang 30 artists nitong Hunyo 8, Sabado, sa Pineapple Lab, Makati City.

“Noong November 2018 po ako unang nag-pose sa kanila,” sabi ni JM nang maka-chat ko sa Messenger nitong Hunyo 9, Linggo ng hapon.

“Sobrang ayos po ng mga organizer. Very professional po silang katrabaho.

“Feeling proud ako that time, kasi siyempre, ako yung subject ng artists.

"Siyempre, nakakangalay mag-pose pero for the sake of art, kailangang tiisin."

Gaano katagal siyang nag-pose?

“Doon sa single, dalawang two-minute pose, isang 10-minute pose. Isang 15-minute, at isang 20-minute,” tugon ng indie actor.

“Tatlo kaming nude models, may isang babae at isa pang lalaki.

“Sa couple poses, tatlong sets—5-minute pose, 10-minute, at 20-minute.”

Continue reading below ↓

Magkano ang TF (talent fee)? Sapat ba?

“Hindi po kalakihan, parang TF lang din indie, pero non-profit event po ito. Mura lang ang fee ng artists, so okay siya sa aspiring artists.”

May bading ba sa artists na lumandi sa kanya matapos ang session?

“Wala po. As I’ve said, professional ang artists na nagpunta.

"Nagpa-picture lang iyong iba kasama iyong artwork nila."

Mas OK ba ang ganitong art session kesa sa paggawa ng indie movie?

“Sa indie ako nanggaling at nakilala. For me, parehas silang maayos na career,” sambit ni JM.

“Magkaiba ng ginagawa pero parehas na naghuhubad, and I’m proud doing it.”

Mahigit 10 indie films na ang nagawa ni JM.

Sa pagkakaalam niya ay hindi pa naipapalabas ang tatlong indie films niya na Kilig, Maskara, at Obra Maestra.

Kabilang sa mga naunang aktor na nag-pose nang hubo’t hubad sa artists para i-drawing o ipinta sina Juan Carlos Castro, Jeff Luna, at Kristoffer King (RIP).

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sana, more projects for JM at makilala siya ng mas marami pagkatapos lumabas niyan.

Sana, lalong bongga ang career niya bago ma-sold out ang artworks na tampok ang kanyang kahubdan.

NOEL FERRER: Saan gagamitin ang nude drawings/artworks?

May ipagmamalaki ba si JM? Sining ba talaga ang ginagawa niya?

Just asking.

JERRY OLEA: Yes, may maipagmamalaki si JM. Dakilang lahi si kuya!

Inamin iyan ni JM sa interbyu sa kanya ni Mr. Fu sa YouTube channel na WTFu.

Sa tanong mo, Tito Noel, kaugnay sa sining, let me quote again the character of Jim Williams (portrayed by Kevin Spacey) in the 1997 film Midnight in the Garden of Good and Evil:

“Sport, truth, like art, is in the eye of the beholder. You believe what you choose and I’ll believe what I know.”

Read Next
Read More Stories About
jm martinez
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results