Coco Martin, dinalaw na si Eddie Garcia sa ospital

by PEP Troika
Jun 12, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

GORGY RULA: Iniwas si Coco Martin sa interviews nang dumalo ito sa Thanksgiving party ng party-list na Ang Probinsyano nitong Hunyo 11, Martes ng gabi, sa Crowne Plaza.

Nakiusap kami sa manager niyang si Biboy Arboleda na hingan lang sana namin ng pahayag kaugnay sa nangyari kay Eddie Garcia, pero wala raw muna talagang interviews.

Pero ikinuwento ni Biboy na dumalaw si Coco kay Sir Eddie sa hospital kahapon ng madaling-araw.

Apektado raw siyempre ang Primetime King sa kalagayan ngayon ni Sir Eddie na naging malapit sa kanya.

Dumalo rin sa thanksgiving party si Yassi Pressman at sinabing baka dumalaw siya kay Sir Eddie ngayong araw.

Pahayag ni Yassi, “Kanina pa nga po ako tinatanong about this.

“I’m just really sad, kasi siyempre, Tito Eddie reminds me of my dad, and alam mo yun, mabuting tao.

“Matagal din kami sa show, e.

“Sa simula pa lang, naging mabait si Tito Eddie. Hindi siya namimili ng kung sino ang kakausapin. Sana, he gets better.”

Continue reading below ↓

Dumalo sina Coco at Yassi sa thanksgiving party nitong Ang Probinsyano party-list dahil malaki ang naitulong nila sa pangangampanya nito.

Kaya paulit-ulit na nagpapasalamat ang dalawang nominees na sina Alfred delos Santos at Ronnie Ong na nakakuha ng seat sa Kongreso.

Ronnie Ong with Coco Martin and Yassi Pressman

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Isa si Eddie Garcia sa pitong nominadong best actor sa 3rd Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) para sa pagganap nito sa Rainbow’s Sunset.

Labis ang lungkot ng SPEEd kaugnay sa kalagayan ngayon ng beteranong aktor.

Katuwang ng local entertainment industry ang SPEEd sa pananalangin upang bumuti ang kalagayan ni Tito Eddie.

Pahayag pa ng SPEEd, “The honor was ours to award him as an Icon of Philippine Cinema at last year’s Eddys Awards.

“Tulad po ng sabi ninyo, ‘Mabuhay Tayong mga Eddys!’

“Mahal namin kayo Tito Ed!”

Siyanga pala, nasa Netflix na simula ngayong Hunyo 12, Miyerkules, ang pelikula nina Eddie Garcia at Gina Pareño na Hintayan ng Langit, na ang international title ay Heaven’s Waiting.

Official entry ito sa QCinema international filmfest (Oktubre 21-30, 2018), at itinanghal ditong best actor si Tito Eddie.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Pati sa Gawad Urian 2019 na gaganapin sa June 18 sa UP Film Center ay nominado si Tito Eddie Garcia para sa kanyang performance naman sa ML.

Siya pa dapat ang magbibigay ng Natatanging Gawad Urian kay Gloria Sevilla para sa kontribusyon nito sa Visayan Cinema.

Mananatili ang ating magagandang gunita kay Tito Eddie na patuloy pa rin nating ipinagdarasal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results