Dalawang yummylicious model-actors, dinedma ng model-actress

by PEP Troika
Jun 13, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Magkatropa ang dalawang model-actors—isang matangkad at isang chinito.

Pareho silang yummylicious, twentysomething, at always ready sa mahiwagang adventures.

Sa isang glitzy event na dinaluhan nila, tumambay sila sa cocktail area. May bar kasi roon kung saan bumabaha ng beer at liquor.

Bulungan nang bulungan ang dalawang model-actor.

E, dumating ang isang gandarang model-actress, na kapatid ng isang young actress.

Bet ng matangkad na model-actor ang dalagang Pilipina.

Kaso, may kasama ang model-actress kaya hindi muna ito chinika ng dalawang binata.

Sa ikalawang rampa ng model-actress sa kanilang harapan, binati siya ng dalawang pogi.

Binola-bola ng matangkad na model-actor ang binibini, pero hindi ito na-impress. Dedma. Nagpaalam agad sa mga lalaki.

Clueless ang dalawang model-actor sa sexual orientation ng marilag na model-actress, na nag-come out na bilang lesbian at may girlfriend na singer.

NOEL FERRER: OK lang iyan!

Mabuhay ang members ng LGBTQ dahil, hindi ba, ang matangkad na modelong aktor ay napabalita ring patola sa mga kabarangay?

Continue reading below ↓

Happy Pride Month! Makabuluhang ika-50 anibersaryo ng Stonewall Riots!

GORGY RULA: Maraming isyu ang tatlong bida ng BI na iyan. Sala-salabat. Ang kulang na lang, projects.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results