JERRY OLEA: Ipinagdiriwang ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ang ika-28 anibersaryo nito.
Kaugnay rito, itinampok noong Hunyo 8, Sabado ng gabi, ang istorya ng isang lalaki (Enchong Dee) na isinakripisyo ang sarili para sa magulang at kapatid habang pilit pinupunan ang responsibilidad bilang ama sa sariling pamilya.
Co-stars ni Enchong sa episode na iyon sina Zaijian Jaranilla, Amy Austria, at Allan Paule.
Bukas, Hunyo 15, Sabado, matutunghayan naman ang kuwento ng guro na si Sir Ryan (Zanjoe Marudo), na nagtuturo sa balsa.
Zanjoe Marudo plays a teacher in an MMK episode
Ang MMK ang longest-running drama anthology sa Asya.
Samantala, ang upcoming episode ng Magpakailanman ay kaugnay sa celebration ng Father's Day at LGBTQ Pride Month.
Tampok sa Kapuso drama anthology bukas ng gabi ang part 1 ng “Kailan Naging Ama ang Isang Babae: The Roxanne D'Salles Epic Story.”
Bida rito si Juancho Trivino bilang Rolando Aggabao, isang dating US Army na nawalay sa kanyang dalawang anak.
Sumailalim si Roland sa sex reassignment surgery... at naging si Roxanne.
Lover ni Roland si Roger (Rodjun Cruz), at kaabang-abang ang kanilang lambingan.
Nasa cast din sina David Remo (bilang batang Roland), Shyr Valdez, Kelly Day, at Aaron Concepcion.
Juancho Trivino and Rodjun Cruz in Magpakailanman
GORGY RULA: Kapag may temang kabadingan ang palabas sa TV, madalas na nagri-rate.
Ewan ko naman sa pelikula, mangilan-ngilan lang ang gay films na tinatangkilik ng mga manonood.
NOEL FERRER: Maliban sa tema, maganda ring makita kung sino kina Zanjoe at Juancho ang pumapasa sa ating panlasa at seseryosohin na ang pagiging aktor, at lipas na ang mga araw ng pagpapa-cute at pagkakagat-labi at pungay ng mata.
Sino sa kanila ang tatagos sa ating puso dahil sa epektibong performance?
Magandang abangan iyan bukas.