Sagot ba ng GMA Productions ang nangyari kay Eddie Garcia?

by PEP Troika
Jun 15, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon / Courtesy: Vivian Velez on Facebook

JERRY OLEA: Dumalo si Harlene Bautista sa Healing Mass para kay Eddie Garcia nitong Hunyo 14, gabi ng Biyernes sa St. Andrew Parish Church, N. Garcia St. corner Kalayaan Av., Bel-Air II, Makati City.

Mass for Eddie Garcia

Continue reading below ↓

Si Harlene ang producer ng pelikulang Rainbow’s Sunset, ang Metro Manila Film Festival 2018 official entry na tinampukan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa.

Paano nila inalagaan ang tatlong beteranong artista habang ginagawa ang nasabing pelikula?

“Siyempre, ang hirap, di ba? Pero hindi sila sakit sa ulo,” pahayag ni Harlene nang makausap namin matapos ang misa.

“Hindi talaga. Wala. Hindi. Hindi. Sila ang pinaka-professional. Lahat naman, professional. Pero sila ang pinaka...”

Sa storycon pa lang ay magaan na ang tatlong senior stars. Iningatan nila ang mga ito at hindi pinilit na mag-mall tour. Inintindi nila na hindi nakadalo si Tita Gloria sa presscon dahil may karamdaman ito. Pero dumalo ang tatlong beteranong artista sa MMFF 2018 Gabi ng Parangal, kung saan pawang nagwagi sila.

“Hanggang noong Sunday sa Star Awards for Movies bago siya naaksidente, napaka-warm ni Tito Eddie,” lahad ni Harlene.

Continue reading below ↓

“Sincere. ‘Kumusta na?’ Ganoon, ‘Anong nomination natin? Ano yung ganyan?’

“Noong tumatakbo iyong pelikula, iyong festival, every day nagtatanong siya. ‘O, ano, kumita na ba? O, ano, nakabawi na ba kayo?’

“Concerned siya. Super. Super!” Napabuntong-hininga si Harlene, “Nakakatuwa dahil nakatrabaho namin siya. At the same time, nakakalungkot talaga.

“Sobrang heartbreaking itong nangyari sa kanya.

“And syempre, lahat naman tayo, hopeful na maging OK pa siya. Malampasan niya ito.”

GORGY RULA: Biglaan itong ipinatawag nilang misa kaya si Harlene lang sa taga-showbiz ang nakadalo kagabi.

Para naman talaga iyun sa pamilya kaya nandoon ang ilang pamangkin at mga apo ni Manoy Eddie.

Ang bunsong kapatid niyang dating direktor na si Santiago Garcia, na naka-wheelchair na, ang nagsalita para sa pamilya.

Harlene Bautista, Santiago Garcia

Continue reading below ↓

Hindi raw nila akalaing mangyari ito dahil alam nilang malakas pa ang beteranong aktor at gusto nito talaga na laging nagtatrabaho. Kaya nga mga two years ago pa raw sila huling nagkita dahil laging busy raw ang kapatid niya. Madalas lang daw silang nag-uusap sa telepono, ayon kay Direk Tiago.

Pero mula nang maaksidente si Tito Eddie, halos araw-araw ay binabantayan niya ito sa ospital.

“Mula noong Linggo, nang ilipat siya sa Makati Med,” sabi ni Direk Tiago.

“Yung sa kuwan, hindi ko alam masyado. Yung sa Mary Johnston ang una, e, sa Tondo.”

Ano ang sinasabi niya sa kanyang kuya na comatose?

“Magising ka na! Gumising ka na, Eddie! Kailangan ka namin!” napaluhang sambit ni Direk Tiago.

NOEL FERRER: Hanggang kailan ang kalagayang ito ni Tito Eddie? Saan ito hahantong?

Sana, kapulutan natin ito ng aral sa ating industriya. Ang tanong ng mga tao, kung AKSIDENTE ito, sagot ba ng GMA Productions ang nangyari sa mahal nating ICON?

Continue reading below ↓

Ano ang accountabilities ng production team ng Rosang Agimat kung sakali lalo pa’t in the line of work nangyari iyon a week ago?

Ano na kaya ang nangyari sa internal investigation ng GMA Network?

Inaabangan ito ng publiko hindi para magsisihan, kundi para may matutunan tayo tungkol sa responsibilidad natin in our line of work.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon / Courtesy: Vivian Velez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results