Parody ni Michael V ng "Buwan" ni JK Labajo, patok sa netizens

by PEP Troika
Jun 16, 2019

JERRY OLEA: At its finest ang Bubble Gang parody na "NAMAN" by JK Langpo (Michael V), na 5 minutes & 41 seconds ang tagal.

Parody ito sa kantang "BUWAN" ni JK Labajo, na nakaalitan si Darren Espanto dahil sa tweet na “gayness at its finest.”

In-upload ng GMA Network sa Facebook page nito ang nasabing parody noong Hunyo 14, Biyernes, 10:55 PM.

As of June 16, Sunday, 1:35 PM ay umabot na iyon sa 3.9M views.

Bahagi ng lyrics na sinulat ni Bitoy:

At its finest ang aking bitaw ‘Day, ikaw naman

Lahat pantay-pantay lang sa mundo

Karapatan ang sumaya

Ikahihiya ba dapat kapag bakla

Hindi ba tao rin sila

May special participation sa music video ang mga bading na sina Arnel Ignacio, Boobay, Ate Gay, Tetay, Rams David, Dr. Enrie Canlas, Vince de Jesus, Robin Obispo, Joe Barrameda, Monti Parungao, Andrew de Real, Miko Cruz, Diego, Julius Tarog, Tracy Nartatez, Melo Merkana, Maria Bernardino, Arianne Panganiban, Dixie Amoring, Erich Siriban, at Yel Talahiban.

Continue reading below ↓

Ang ilan pang linya sa parody:

Kung ako’y bakla

Di ba pwedeng namber wan?

Sa inyong abuso

Lait at sa tawanan

May bumabalik, may umaamin

May nagmamahal

Sa lahat ng mga bading

NOEL FERRER: Henyo talaga ang kaibigan nating si Bitoy (Michael V).

Siya lang talaga ang nakakagawa niyan.

Safe at hindi siguro magre-react pa ang ibang partido rito. Kasi, neutral naman at maayos ang pagkakagawa.

Swak sa Pride Month, sa ika-50 anibersaryo ng Stonewall Riots sa Greenwich Village, Manhattan, New York City.

Ang magdemanda rito kung sakali... SAPUL!

GORGY RULA: Magaling naman talaga si Bitoy.

Kaya curious ang karamihan na mapanood itong movie niyang Family History dahil parang ang seryoso ng title, pero may pagka-comedy raw ito.

Iba raw ang atake rito ni Michael V na siya rin ang nagsulat at nagdirek.

Ito na ang mauunang ipalalabas at hindi na raw muna ang Kiko en Lala ni Super Tekla.

Continue reading below ↓

Mas maganda raw na pang-comeback ng GMA Pictures itong Family History, at tuluy-tuloy na ang paggawa ng pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results