Cinemalaya 2019 battle of cougar-cub relationships: Mylene-Kit vs Sunshine-Enzo

by PEP Troika
Jun 17, 2019

JERRY OLEA: Lampas 71K views na sa YouTube ang full trailer ng Cinema 2019 entry na Belle Douleur, na in-upload noong Hunyo 4, 2019.

“It’s never too late for a beautiful pain,” tagline ng pelikulang pinagbibidahan nina Mylene Dizon at Kit Thompson, sa direksiyon ni Joji Villanueva Alonso.

Takaw-pansin ang paglalakad ni Kit nang walang saplot sa trailer. Pwetmalu!

Continue reading below ↓

Base sa trailer ay may May-December affair sina Mylene at Kit, pero ibang-iba ito sa Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, sa direksiyon ni Concepcion Macatuno.

Ang pelikulang ito ang una kong gustong mapanood sa 15th Cinemalaya indie filmfest sa Agosto 2-13.

Parang cougar-cub din ang relasyon ng dalawang bida sa isa pang Cinemalaya 2019 entry, ang Malamaya.

Sa istorya, ang isang middle-aged artist (Sunshine Cruz) ay nakakita ng spark sa isang amateur photographer (Enzo Pineda).

Continue reading below ↓

Nagbunsod iyon ng “creative and sexual awakening” para sa pessimistic at uninspired na artist. Idinirek ito nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.

Nitong Hunyo 16, Linggo nang 6 P.M. ipinasilip sa social media ang teaser trailer ng Fuccbois, na entry rin sa Cinemalaya 2019.

Sa istorya, ang 23-anyos na si Ace Policarpio at ang 17-anyos na si Miko Ramos ay asado at hopia na maging sikat na artista, pero mukhang iba ang itinakda ng tadhana para sa kanila.

Tampok sa suspense drama na ito ang mga baguhang sina Royce Cabrera at Kokoy de Santos.

Sa 16-second teaser trailer, merong pick-up line... “Buko ka ba?” “Bakit?” “Ang sarap mo kasing biyakin, e!”

Continue reading below ↓

Itong Fuccbois ang ikaapat na Cinemalaya entry ni Direktor Eduardo Roy Jr.

Naunang entries niya sa pinaka-prestigious indie filmfest ng bansa ang Bahay Bata (2011), Quick Change (2013), at Pamilya Ordinaryo (2017).

GORGY RULA: Wala pang sablay si Direk Eduardo Roy Jr. sa Cinemalaya kaya malamang na maganda rin itong Fuccbois.

Bakit kaya hindi natuloy sa pag-audition diyan ni Jak Roberto?

Gusto sana niyang gawin iyan, kaya willing sana siyang magpa-audition.

Excited din ako sa Belle Douleur ni Atty. Joji Alonso.

Text niya sa akin, “Malupit ang pressure as in.”

Alam kong pressured siya sa pelikulang ito dahil tiyak na isa siya sa tututukan kung may karapatan ba siyang magdirek.

Sabi ko kasi sa kanya, bukod kay Xian Lim, tiyak na sisipatin nang husto itong pelikulang idinirek niya.

Kaya hanggang ngayon ay tinatapos pa rin niya ang post-production para hindi siya mapahiya sa first directorial job niya.

May napatunayan na ni Atty. Joji sa short film na nagawa niyang napansin sa ilang international film festival.

Continue reading below ↓

Kaya kaabang-abang itong darating na Cinemalaya 2019.

NOEL FERRER: Ay, naku! Antayin din ninyo ang official trailer ng Pandanggo Sa Hukay ng aking alagang si Iza Calzado, directed by Ricky Lee’s student Sheryl Rose Andres.

“Makisayaw sa buhay ni Elena,” ang blurb nito na siyang magiging birthday presentation ni Izadora with a gala premiere on August 4, Sunday at 9 P.M. at the CCP Main Theater.

Sobrang compelling ng istorya kaya’t si Iza mismo ang nagdesisyong ituloy ang pelikulang ito na tribute din niya sa buhay ng nurses and midwives.

Exciting ang Cinemalaya this year lalo pa’t 15th edition na nila ito, katulad ng Virgin Labfest (Hunyo 19-Hulyo 21) na “Titibok-tibok”!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results