Joshua Garcia gaganap bilang sundalo sa MMK; Allen Dizon bilang transwoman sa Magpakailanman

by PEP Troika
Jun 20, 2019

JERRY OLEA: Masakit mamatayan ng kapamilya. Pero mas masakit sa magulang na maglibing ng anak.

Maigting at magiting ang pagganap nina Joshua Garcia at Janice de Belen sa life story ni Ian Paquit, ang ikatlong handog ng ABS-CBN sa ika-28 anibersaryo ng MMK.

Tampok din sa episode na ito sina Ryle Santiago at Alex Castro.

Continue reading below ↓

Ang trailer nito sa Twitter account ng MMK ay naka-51.9K views na and counting.

Matutunghayan ito sa Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Idol Philippines.

Mapapanood naman sa Magpakailanman ng GMA-7 ang Part 2 ng makulay na buhay ni Roxanne D' Salles, “Kailan Naging Ama Ang Isang Babae?”

Alay ito ng Magpakailanman sa pagdiriwang ng Father’s Day at Gay Pride Month.

Magmamaganda rito si Allen Dizon bilang Roland/Roxanne. Ang kilay, magmamataray!

Continue reading below ↓

So far, ito ang pinaka-challenging role ni Allen sa mainstream TV.

Nasa cast din ng episode na ito sina Clint Bondad, Dave Bornea, at Jenny Miller.

NOEL FERRER: Maganda ang effort ng MMK at Magpakailanman na lalong gandahan ang production values ng kanilang programa dahil ito ang premiere na drama anthology program ng kanilang istasyon.

Naisip ko lang, as a tribute to our beloved icon na si Tito Eddie Garcia, sino kaya sa dalawang banner program ang makakagawa ng magandang tribute sa life story ni Manoy?

Well, this also presupposes that the family will authorize the networks to the story which I highly doubt.

But for the sake of creative discussion, sino sa tingin ninyo ang puwedeng gumanap bilang Tito Eddie?

Ano kaya ang kaibahan ng atake ng presentasyon ng dalawang programa?

Hindi ba’t nauso noon ang ganitong celebrity life story feature?

Just thinking.

GORGY RULA: Sayang! Wala akong napanood sa dalawang drama anthology noong nakaraang Sabado.

Continue reading below ↓

Wala rin akong nakuhang rating mula sa AGB Neilsen dahil low turnout daw ang viewership noong nakaraang weekend.

Pero siyempre, madalas namang panalo ang mga programa ng ABS-CBN pagdating sa Kantar Media.

Samantala, kinakarir naman ng MMK ang ipinapalabas nilang kuwento bilang pagdiriwang sa kanilang anibersaryo.

Ang ganda ng ginagawa nilang plug na "Dear Ate Charo." Puwede na silang gumawa ng isa pang programa na ganoon ang title.

Bagay kayang itapat ang"Dear Ate Charo" sa Dear Uge?

Forte naman ng Magpakailanman ang magsalarawan ng kuwento ng mga miyembro ng LGBT, lalo na ng mga kabadingan.

Malaking challenge ito kay Allen Dizon na ngayon pa lang yata gaganap ng isang muheristang bading. Magandang girl naman siya.

Samantala, magandang ideya rin, Sir Noel, yung pagbibigay tribute kay Eddie Garcia, hindi lang sa kuwento ng magaling na aktor kundi pati sa iba pang senior stars gaya ng kuwento nina Gloria Romero, Anita Linda, Tony Mabesa, Gina Parenño, Caridad Sanchez, pati sa dating Senator Ramon Revilla Sr. bilang pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema.

Continue reading below ↓

I’m sure, interesting ang mga kuwento nila.

JERRY OLEA: Sa Sabado ng hapon ay kasama si Allen Dizon sa “Utang” episode ng Ipaglaban Mo, matapos ang It’s Showtime sa ABS-CBN.

Noong nakaraang buwan ay nagbida sila ni Pokwang sa isang episode ng MMK.

Back-to-back ang showing ng movies ni Allen na Persons of Interest at Alpha: The Right to Kill sa ongoing 22nd Shanghai International Film Festival (Hunyo 15-24).

Exciting din ang dalawang forthcoming films ni Allen, ang Latay (directed by Ralston Jover) with Lovi Poe, at Mindanao (directed by Brillante Mendoza) with Judy Ann Santos.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results