GMA-7, magdedesisyon na kung tuloy o shelved ang Rosang Agimat

by PEP Troika
Jun 20, 2019
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Bibeth Orteza

JERRY OLEA: Bago nag-comatose si Eddie Garcia noong Hunyo 8, Sabado, kaugnay sa taping ng Kapuso show na Rosang Agimat sa Tondo, Manila, nagbabala ang psychic-spirit questor na si Atty. Nick Nangit na dapat mag-ingat sa aksidente ang beteranong aktor.

Nabanggit niya ito sa DZRH program nina Morly Alinio at Gorgy Rula na Showbiz Talk Ganern.

“Sinabi ko rin iyon sa DZBB Presinto 594 hosts na sina Luisito Santos at Olan Bola, pati sa Radyo Inquirer kina Miss F,” chika ni Atty. Nick via Messenger, nitong Hunyo 20, Huwebes.

Ano ang naramdaman ni Atty. Nick nang nabalitaan niya ang nangyari kay Eddie Garcia? Sa tingin ba niya ay magigising pa ito mula sa “deep coma”?

Sagot ng psychic, “Naganap na iyong aksidenteng pinag-iingat ko siya. Kumbaga, dumating na ang takdang panahon.

“Hindi sa pinanghihina ko ang kalooban ng pamilya't mga nagmamaahal sa kanya, pero kailangan nilang tanggapin ang kahit anong hahantungan niya.

Continue reading below ↓

“Pagtanggap, hindi pagpipigil. Sakaling magising siya at maging gulay, maghihirap hindi lang siya kundi maging ang pamilya niya.

“Sa nakikita ko, i-let go na natin siya at ipagdasal ang katiwasayan niya.”

NOEL FERRER: Madaling sabihin iyang i-let go pero kapag nangyari na iyan, mahirap talagang gawin. Promise!!!

Ang alam ko, ngayon ilalabas ang desisyon ng GMA-7 kung ano ang gagawin at kahihinatnan ng teleseryeng Rosang Agimat.

Ngayon na rin kaya nila ilalabas kung ano rin ang resulta ng sinabi nilang imbestigasyon sa nangyari na “they’ll get down to the bottom of things”?

Basta, naghihintay tayo sa mga malinaw na pahayag habang taimtim pa rin tayong nagdarasal.

JERRY OLEA: Tatlong makabuluhang pelikula ang pinagbidahan ni Eddie Garcia noong nakaraang taon.

Ang tatlong pelikula ay pawang entry sa film fest, nagpanalo sa kanya ng award, at namatay ang karakter niya sa istorya.

Best actor si Eddie sa 14th Cinemalaya noong Agosto para sa pelikulang ML. Pumapel si Eddie bilang delusional military man na papatayin sana ng estudyanteng (Tony Labrusca) tinortyur niya, kaso, nategi siya.

Continue reading below ↓

Best actor si Eddie sa QCinema International Film Fest noong Oktubre para sa Hintayan ng Langit. Gumanap si Eddie bilang kaluluwa sa purgatoryo, at may death scene siya habang nakaratay sa ospital.

Special Jury Prize si Eddie sa 44th MMFF noong Disyembre para sa Rainbow’s Sunset. Sa istorya, dati siyang senador na nagladlad upang alagaan ang kanyang pinakamamahal (Tony Mabesa) na malapit nang mamatay, kaso, nauna siyang kinuha ni Lord.

May eksena ng paghahatid sa kanya sa huling hantungan.

Ang galing-galing ni Eddie sa mga pelikulang ito! Nag-best actor siya sa 67th FAMAS (katabla si Victor Neri) at 42nd Gawad Urian para sa ML.

Nominado siya sa third Eddys na gaganapin sa Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier Theater para sa Rainbow’s Sunset.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: PEP File / Courtesy of Bibeth Orteza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results