3rd Pina Festival sa Ormoc City, nag-level up

by PEP Troika
Jun 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Level up at talagang pinaganda na ang ikatlong Piña Festival sa Ormoc City, na nagsimula noong Hunyo 11 at magtatapos sa Hunyo 29.

Nagpapasalamat si Mayor Richard Gomez sa socio-civic clubs na tumutulong sa kanila para maging maunlad ang kanilang lungsod na kitang-kita ang progreso with the museum, the sports facilities (Ormoc Grandstand, rubberized oval, elevated basketball court and Olympic sized swimming pool), 3 police stations, at ang Ormoc airport na inaasahang matapos ngayong taon sa pakikipag-ugnayan sa Department Of Transportation Secretary Arthur Tugade.

Inikot na ang PEP Troika sa ML Ranch at Nueva Vista pineapple plantation na pinag-shooting-an ng pelikulang 3 Words To Forever nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

GORGY RULA: Nakakatuwa dahil nasanay na rin ang mga tao sa pagiging active ni Mayor Goma na walang kapaguran.

Kaya kapag may pinasisimulan daw siyang project, dapat aksyon agad.

Hindi maiwasang mataranta ang mga staff niya kapag nandiyan siya dahil gusto niyang mabilis ang resulta kaya dapat kumilos ang lahat.

Continue reading below ↓

Minsan daw, kumain sila sa isang restaurant, nainip daw si Mayor Goma sa bagal ng service, pumasok daw ito sa kusina at siya na ang nagluto ng in-order nila, at siya na raw ang nag-serve ng Sinigang na in-order nila.

Kaya sa pangalawang termino niya bilang alkalde ng Ormoc, gamay na raw nila ang moods ni Mayor Goma sa trabaho.

May code na sila kay Mayor na code Richard, code Icasiano at code Gomez.

Sila-sila na lang na mga staff ang nakakaalam niyon.

JERRY OLEA: Mas mabilis ang grand street parade ng Piña fest ngayong Hunyo 23, Linggo, kumpara last year.

Ayaw kasi ni Mayor Goma sa makupad na programa.

Waley na ang Food Park ngayong Sunday para hindi makasagabal sa ruta ng parada.

Ang sasarap pa naman ng mga natikman namin nitong Sabado night, na napaka-affortable.

Sarap na sarap din kami sa nabili naming mangga mula sa Camotes Island.

Continue reading below ↓

Pinapahalagahan ng mga Ormocanon ang Sining at Kultura.

Sa dress rehearsal pa lang nitong bisperas ng parada ay sandamukal na ang nag-usyoso.

E, kasi naman, performance level na ang mga kalahok. Ang gaganda ng paintings at photographs sa museum.

Libre ang entrance roon, upang mahikayat ang mga may artistic inclination.

Takaw-pansin sa art exhibit ang portrait nina Pacquiao at Ma’am Lucy!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results