Sino ang huling apat na papasok sa Final 14 ng StarStruck 7

by PEP Troika
Jun 23, 2019
PHOTO/S: StarStruck Facebook

GORGY RULA: Makukumpleto na ang Final 14 ng StarStruck (Season 7) ngayong Hunyo 23, Linggo.

Sa mga babae, maglalaban-laban sa last two spots ang beauconera at gymnast mula North Carolina na si MJ Felizarta, ang Filipino-Italian na si Ella Cristofani na balita namin ay lesbian couple ang parents, at ang youngest sa batch na si Shayne Sava (16 years old).

Sa boys naman, two slots din ang paglalabanan ng tatlong naiwan.

Ang pinakabata sa mga boys na si Allen Ansay (16 years old) na lookalike ni Jeric Gonzales ay mula Camarines Sur.

Tubong-CamSur din ang lookalike ni Alden Richards na si Jerick Dolormente na binansagang “Bukol King” dahil sa mapangahas nitong pictures sa Instagram at Facebook.

Ang fresh Legal Management graduate ng UST na si Radson Flores ay taga-Taguig City.

Sobrang kinarir ng tatlong StarStruck Council ang pagpili ng Final 14 na minsan ay nagkakainitan na sa deliberations.

Sina-suggest na raw ni Cherie na dapat magkaroon ng show si Heart na nagbibigay ng payo sa televiewers.

Continue reading below ↓

Bagay na bagay raw sa kanya ang programang Dear Heart.

NOEL FERRER: Napanood ko ang performances ng StarStruck hopefuls at masasabi kong kina-career talaga nila ang kanilang performances.

Promising sa akin si Rere Madrid.

Tama ang sabi ng Council na makakapasok siya hindi dahil kapatid siya ni Ruru Madrid, kundi dahil sa kanyang angking ganda at husay na nahasa rin sa mga workshop.

Truth be told, she went through the Star Magic Workshops, which I think served her well.

JERRY OLEA: Aabangan natin ang journey ng Final 14 ng StarStruck (Season 7). Nawa’y mapasikat sila ng Kapuso Network!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: StarStruck Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results