Heart Evangelista, gustong magpatayo ng shelter for dogs sa Sorsogon

by PEP Troika
Jun 24, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Balak ni Heart Evangelista na humingi ng tulong sa government agencies para matuloy ang shelter para sa mga aso na balak niyang ipatayo sa Sorsogon, kung saan nanalong gobernador ang kanyang mister na si Chiz Escudero.

Seryoso siya rito, bilang bahagi ng advocacy niya ang pag-aalaga sa mga hayop, lalo na sa mga aso.

“It’s a very special project. You know, I’m very hands on,” pakli ni Heart nang nakatsikahan namin sa media launch ng bagong endorsement niyang Thiocell Glutathione lozenges.

Pero sana, matulungan daw siya ng ilang ahensiya o organisasyon na maitayo ito sa Sorsogon.

Hindi raw kasi ganoon kadali i-maintain, kaya hihingi siya ng tulong sa ilang dog-lovers community para sa maintenance ng mga aalagaang aso.

“I’m hopefully working with other organizations that can help us and make sure that everything we do is right… and how we can promote adoption.

“But, that’s just one thing that I’m doing. It’s very haggard.

Continue reading below ↓

“Mahirap siya. Hindi siya madali actually. It’s very hard to maintain,” saad ng Kapuso actress.

Kailangang isingit ito ni Heart sa dami ng mga ginagawa niya.

Bukod sa pagiging council member niya sa StarStruck, nakatakdang umalis si Heart patungong Paris, France para sa Fashion Week.

Nakatakda rin siyang bumalik ng China para tapusin ang action movie na ginagawa niya roon.

NOEL FERRER: Kasama rin siguro sa shelter sa aso ang shelter sa tao.

‘Yan naman sana ang tutumbasan ng asawa niyang si Sorsogon Governor-elect Chiz Escudero.

Handa na ba sa rural life si Heart?

Anong lifestyle changes ang magaganap sa kanya ngayong pamamahalaan nila ang kanayunan?

Basta ang sigurado tayo, gaganda ang Sorsogon with Heart there.

Wait and see tayo riyan!

JERRY OLEA: Nawa’y ituloy nina Chiz at Heart ang magagandang programang nasimulan ni outgoing Governor Bobet Lee Rodrigueza, partikular ang pagpapasigla ng turismo sa lalawigan!

Andaming magagandang pasyalan sa Sorsogon!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results