Richard Gomez, sang-ayon na hiranging National Artist si Eddie Garcia

by PEP Troika
Jun 24, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal

NOEL FERRER: Umulan ma’t bumagyo, tuloy ang 3rd Piña Festival Parade sa Ormoc City kahapon, June 23.

Buti na lang, malakas sa Diyos ang Ormocanons at maluwalhati nilang naidaos ang kanilang activity sa kanilang Plaza na dinaluhan ng libu-libong tao!

At lagare ang kanilang masipag na Mayor Richard Gomez, huh!

Continue reading below ↓

Pagkagaling sa Maynila kung saan nag-open siya ng exhibit (kasama ng apat pang artists) sa SM Megamall, tumuloy si Goma sa lamay ni Tito Eddie Garcia noong Biyernes ng gabi, June 21.

“Dapat talaga trained ang mga tao at meron laging naka-standby na mga gadgets na pam-first aid sa kahit na saang workplace,” sabi ni Goma.

Grateful siya sa industriya ng showbiz at hindi raw niya mararating ang kinalalagyan niya ngayon kundi dahil sa training at disiplina at pakikipagkapwa na nahasa niya rito.

Sana raw, katulad ng Three Words To Forever, makahanap pa ng ibang materyal na puwedeng gawing pelikula sa Ormoc.

Marami pa silang puwedeng ipakita sa “Land Of Beautiful People”!

JERRY OLEA: Maraming beses nakatrabaho ni Ormoc City Mayor Richard Gomez si Eddie Garcia.

“It’s nice to talk to him, ‘no,” sambit ni Mayor Goma nang matsika namin nitong Hunyo 23, Linggo ng tanghali sa Ormoc.

Continue reading below ↓

Gaya ni Manoy, Goma does everything in moderation.

“Oo naman. Hindi puwedeng todo-todo natin,” pag-ayon ng actor-politician.

“Number one, you really need a lot of rest.”

Sang-ayon si Goma sa mga nagsusulong upang maging National Artist si Tito Eddie.

“Oh, yeah. Posthumous na lang. Pero sana, mas maagang naibigay. He really deserves it.

“As an actor, director, award-winning at that. Ang laki ng contribution ni Tito Eddie. Andami niyang contribution sa cinema.”

GORGY RULA: Bago pa man nangyari itong kay Eddie Garcia, pinu-promote na ni Mayor Richard Gomez ang gadget na tinatawag niyang AED o Automated External Defibrillator.

Continue reading below ↓

Dapat daw, sa set ng mga taping at shooting ay may ganoong gadget, at meron talagang taong marunong mag-handle ng CPR o first aid sa mga taong maaksidente o atakehin sa set.

Ito ang isa sa ipinaturo niya sa mga estudyante sa public high schools and colleges.

Kaya proud siyang ikinuwento sa amin na mahigit 8,000 na ang mga estudyante sa Ormoc na marunong mag-CPR.

“What if somebody all of a sudden, biglang ma-unconscious, ma-heart attack, mawalan ka ng heartbeat, somebody have to know the CPR,” pakli ni Mayor Goma.

Magsisilbing aral itong nangyari kay Manoy Eddie, na sana maging practice na raw ito sa mga taping at shooting.

Nakakatuwa dahil sa paglisan ni Manoy Eddie, nag-iwan pa siya ng leksiyon sa mga taga-industriya na sana ay maging kalakaran, hindi ningas-cogon lang.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results