Eddie Garcia Law, isusulong ni Cong. Michael Romero sa Kongreso

by PEP Troika
Jun 24, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Natameme ako sa bali-balitang isusulong ni Congressman Alfred Vargas na maging National Artist ang namayapang actor-director na si Eddie Garcia.

Ano ang kinalaman ng Kongreso sa pagpili ng Pambansang Alagad ng Sining?

Hindi ba’t ang responsibilidad na iyon ay nakaatang sa NCCA, Akademya, at CCP?

Nitong Hunyo 24, Lunes, nanawagan naman si Congressman Michael L. Romero sa mga kapwa niya mambabatas upang suportahan ang layon niyang lumikha ng batas na magbibigay ng mas malaking kabuluhan sa pagpanaw ni Eddie Garcia.

Ang unang ipapanukala ni Congressman Romero sa pagbubukas ng 18th Congress ay ang Actors Occupational Safety and Health Standard Bill aka The Eddie Garcia Law.

Inaasahan ni Congressman Romero na mahigit 100 sa kanyang fellow legislators ang co-signatories sa panukalang ito.

Ini-expect din ni Congressman Romero na may counterpart ito sa Senado sa pamamagitan ni Senate President Tito Sotto.

“The Eddie Garcia Bill will be a means to safeguard the welfare and well being of all actors working in the television and/or in the movie industries,” post ni Congressman Romero sa Facebook.

Continue reading below ↓

Ang salient points ng The Eddie Garcia Bill:

1. Mandatory Actors and Production Insurance coverage

2. Specific Working Hours for (8-12 hours maximum): a) Below 18 years old, b) 18-59 years old and c) 60 years old and above (Senior Citizens)

3. Medical Safety Procedures on production set and within its area of responsibility

4. Mandatory Installation of Safety Officers within its area of responsibility

5. Emergency Standards and Procedures 6. Penalties and Liabilities for Violation

Si Congressman Romero ay anak ni Lilibeth Romero, longtime partner ni Eddie Garcia.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sa pagiging National Artist, hindi kailangan ng legislation.

Kailangang may cultural group/organization na magtutulak kay Tito Eddie at maghahanda ng kanyang papers na parang report of accomplishments at impact nito sa community.

'Tapos, dadaan ito sa 3 stages ng judging na parang dadaan talaga sa butas ng karayom.

But, good luck and thank you kay Tito Eddie sa kontribusyon niya sa ating industriya at lipunan.

Maganda rin ang ipapanukalang batas ni Congressman Michael Romero.

If this materializes, at least may saligang panuntunan na kung ano dapat ang working conditions at safeguards para sa lahat.

Kung ito ang tugon at aksiyon ng pamilya ni Tito Eddie sa nangyari sa beteranong aktor, masasabing he did not die in vain.

Pero ang tanong: anong batas ang puwedeng i-invoke sa imbestigasyong gagawin ng DOLE?

If truly there is a need for a separate law to be named after Eddie Garcia, ibig bang sabihin kulang at hindi covered ito o walang pangil ang existing labor laws?

Continue reading below ↓

Just asking.

JERRY OLEA: Follow-up post ni Congressman Romero sa FB nitong Hunyo 24, Lunes:

“Eddie Garcia did not die without leaving his legacy on each and every member of the TV and Movie Industry.

“For years to follow, the ‘Eddie Garcia Law’ will always be the benchmark on safety protocols and medical standard procedures on tv and movie sets.

“This one is for you Tito Ed. The best gift I can give you.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results