Resulta ng imbestigasyon sa aksidente ni Eddie Garcia, di pa rin lumalabas

by PEP Troika
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon / Instagram

NOEL FERRER: Balitang kakausapin sa lalong madaling panahon ng GMA Network management ang cast members ng Rosang Agimat, ang teleseryeng kinamatayan ng entertainment icon na si Eddie Garcia.

Isang kaibigang lawyer ang nagsabi sa aming the existing laws only cover employees; and artists/talents are not considered employees in this case, Tito Eddie included.

“But DOLE [Department of Labor and Employment] can refer to the employees of the network in the investigation to justify the imposition of sanctions,” sabi ng abogadong kaibigan namin.

Ang tanong ng ilang netizens sa mga entertainment thread: “Bakit pinag-uusapan ang postponement o cancellation ng naturang soap kung wala namang umaako ng pagkukulang?”

GORGY RULA: Inaasahang maglalabas ng statement ang GMA-7 pagkatapos ng meeting ng bumubuo ng Rosang Agimat.

Maaaring ilabas din nila kung ano ang resulta ng imbestigasyon. Dito natin malalaman siguro kung sino ang dapat umako ng pagkukulang.

Sa ngayon kasi, hindi maganda ang dating sa mga tao ng bagong drama series na ito dahil sa nangyari kay Eddie Garcia.

Continue reading below ↓

Abangan na lang natin kung ano ang susunod na ilalabas na pahayag ng GMA-7 kaugnay sa isyung ito.

JERRY OLEA: Hunyo 8 naganap ang pagbagsak ni Eddie Garcia sa taping ng Kapuso series na Rosang Agimat.

Mukhang masusi ang imbestigasyon ng mga Kapuso dahil namatay, na-cremate, at natapos ang lamay sa Nag-iisang Manoy, pero hindi matapus-tapos ang nasabing imbestigasyon.

Hindi malinaw sa atin kung meron bang kasalanan o pagkukulang ang produksiyon. Wala pa kasing umaako ng pagkakamali.

“Kung sa Amerika nangyari iyang sinapit ni Eddie Garcia, milyones na sana ang nakubra ni Lilibeth [Romero],” sabi ng isang beteranang aktres.

Sa panig ng pamilya ni Eddie, meron bang maghahain ng reklamo?

Kung walang reklamo, walang kaso. Walang mananagot. Walang mapaparusahan.

Pero mananatili sa ating diwa na kinamatayan ni Eddie Garcia ang Rosang Agimat. Huwag natin iyang kalimutan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results