Dakilang aktor, nag-confess ng feelings sa poging co-star

by PEP Troika
Jun 25, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Passionate ang kissing scenes, with matching lambingan and lampungan, ng pogilicious young actor at co-star na dakilang aktor sa isang indie movie.

First time ng pogilicious young actor na sumabak sa mga ganoong eksena, pero trabaho lang iyon para sa kanya.

Kapag gumigiling ang kamera ay pagkahusay-husay ng dakilang aktor.

Bigay na bigay. Nag-uumapaw ang landi, ligaya, o luwalhati na hinihingi sa eksena.

Pag-cut ng kanilang direktor, ang dakilang aktor ay mistulang damong makahiya na nasagi at agad-agad tumitiklop.

Takang-taka ang pogilicious young actor kung bakit hindi siya kinakausap ng co-star off cam. Ni hindi siya tinitingnan nito.

Kinumpronta ng pogilicious young actor ang dakilang aktor, “Pare, may problema ba?”

“Wala,” mabining pagbuntung-hininga ng dakilang aktor.

“Wala? Anong wala?! Bakit hindi ka makatingin sa akin?”

Tumingin ang dakilang aktor at nangungusap ang mga mata sa pagbulong, “Because I love you...”

Continue reading below ↓

Natigalgal ang pogilicious young actor.

GORGY RULA: Parang ini-internalize lang ni dakilang aktor ang role niya.

Kahit sinabi niya iyon kay pogilicious young actor (PYA), tila hindi pa rin naniniwala si PYA na badikla si dakilang aktor.

Ayaw maniwala ni PYA na may bahid ang nakahalikan niyang dakilang aktor.

Pakiwari ni PYA, artista lang talaga ang dakilang aktor at dala-dala lang ang role na ginagampanan.

Hindi na nagugulat ang karamihan sa kuwentong ito. Matagal nang pinagdudahan ang pagkalalaki ni dakilang aktor.

NOEL FERRER: Na-link ang dakilang aktor sa isang dating model.

Sobra siyang discreet, at in fairness, mabait siya.

Kailan kaya niya palalayain ang tunay na pagkatao? Sasama kaya siya sa Pride March sa Marikina this weekend?

Hindi kataka-taka dahil todo na siya sa susunod niyang pelikula! Badiklang mabalahibo ang attraction niya!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results