Idol Philippines at StarStruck, mahigpit ang labanan sa ratings

by PEP Troika
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN

GORGY RULA: Mahigpit na naglalaban sa ratings ang magkatapat na talent-reality search na Idol Philippines ng ABS-CBN at StarStruck Season 7 ng GMA-7.

Ayon sa AGB NUTAM, tinalo ng StarStruck ang Idol Philippines nang nag-pilot ang Kapuso artista search noong nakaraang linggo.

Pero nitong Hunyo 22, Sabado, lumamang nang bahagya ang Idol sa StarStruck.

Nakakuha ng 9.7% ang StarStruck, at 9.6% ang Daddy’s Gurl laban sa 10.8% ng Idol Philippines.

Pero wagi ang ibang primetime shows ng GMA-7 noong gabing iyon.

Naka-6.2% ang 24 Oras vs. 5.2% ng Kuha Mo!.

Sinundan ng Pepito Manaloto na 8.2% vs. TV Patrol na 6%, at Home Sweetie Home na 7.3%.

Panalo naman ang episode ni Joshua Garcia sa Maalaala Mo Kaya na naka-12.3% laban sa episode ni Allen Dizon sa Magpakailanman na 8.8%.

Noong Hunyo 23, Linggo, wagi ang Sunday Pinasaya na 5.1% laban sa ASAP Natin ‘To na 4.5%. Pagdating sa primetime, 4.8% ang nakuha ng 24 Oras vs. 5.2% ng TV Patrol.

Wagi pa rin ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka- 7% vs. Goin’ Bulilit with 5.7%.

Continue reading below ↓

Magkadikit ang Daig Kayo ng Lola Ko na 8.7% at ang Hiwaga ng Kambat na 8.3%.

Naka-10.5% ang Idol Philippines at dumikit din ang StarsTruck na 10%.

Winner pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-15.6% at inilampaso ang Rated K na 7.7% lamang, at ang PBB Otso na 3.7%.

Consistent pa ring wagi ang The Boobay and Tekla Show na naka-5.2% sa anniversary episode ng Gandang Gabi Vice na 3.6%.

JERRY OLEA: Waging-wagi sa ratings ang MMK episode nina Joshua Garcia at Janice de Belen nitong Hunyo 22, Sabado ng gabi, sa ABS-CBN.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, nagtala ito ng 30.8%, kontra sa Magpakailanman episode ni Allen Dizon na naka-14.6%.

Ito ang pinakamataas na rating ng MMK ngayong 2019, so far.

Ang episode ding iyon ang No. 1 program noong Sabado.

Ang No. 2 ay ang Idol Philippines na naka-30.5%, kontra sa Daddy’s Girl na naka-18.7%, at StarStruck na naka-17.8%.

Pumangatlo ang Home Sweetie Home Extra Sweet na naka-22.8%, kontra sa Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento na naka-15.6%.

Continue reading below ↓

Noong Hunyo 23, Linggo, nanguna naman ang Idol Philippines na naka-28.8%, kontra sa StarStruck na naka-17%.

Ang Rated K ni Korina Sanchez ay naka-19.7%, kontra sa Kapuso Mo, Jessica Soho (No. 2 program last Sunday) na naka-25.3%.

Pumangatlo ang Hiwaga ng Kambat na naka-23.8%, kontra sa Daig Kayo Ng Lola Ko na naka-16.5%.

Ang Goin’ Bulilit ay naka-15.2%, kontra sa Amazing Earth Featuring The Hunt na naka-13%.

Ang Gandang Gabi Vice ay naka-7.4%, kontra sa The Boobay And Tekla Show na naka-6.5%.

NOEL FERRER: Katulad pa rin ng dati, ang mas concern ko ay ang quality ng shows versus ratings!

Aminin natin na habang ang ibang shows ay gagawin ang lahat para mapaganda ang kanilang palabas, yung iba naman ay wala lang.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results