Camille Prats, quota na sa panganganak

by PEP Troika
Jun 30, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA: Sa July 8 na magsisimula ang bagong lipat sa GMA-7 na Mars Pa More, pero bago iyan, kailangan na ring mag-maternity leave ni Camille Prats dahil kabuwanan na niya.

Ang payo ng kanyang doktor ay mag-leave na siya sa July 7.

Kaya tatlong episode pa lang ang nai-tape niya. Baka hindi na siya payagang magdagdag pa.

Si Chariz Solomon ang nakatakdang papalit sa kanya na makakasama ni Iya Villania.

Pagkatapos nitong panganganak ni Camille na isang baby boy, napagkasunduan na nila ng asawa niyang si John Yambao na iyun na ang last baby nila.

“Nag-decide na kaming mag-asawa na ayaw na naming mag-anak, kasi po, ang dalawang magkasunod na ito, hindi rin namin pinlanong magkaroon,” pakli ni Camille sa mediacon ng Mars Pa More.

“So, sabi ko, okay na iyun. At least, magkasunod… and then, may first batch of kids.

“My stepson is 15, and then Nathan is 11, and we have a one-year old, si Nala and a baby.

Continue reading below ↓

“So, parang dalawang batch yung babies namin—which is easier for us, kasi ang mga kuya, nauutusan na naming mag-alaga kay Nala.

“Okay na iyun, kasi I’m already 34 na rin.

“So, iniisip ko na parang when I do the math, he’s 20, nasa 60 na ako. Okay na iyun,” saad ng actress/TV host.

Hindi pa niya alam kung magpapa-ligate ba siya pagkatapos niyang manganak.

Pag-uusapan pa nila uli ng kanyang asawa.

“Bahala na po kung sino sa amin ang magpapa-something.

“Basta for now, parang ayoko na po talaga,” sabi pa ni Camille.

NOEL FERRER: Yun naman pala, Tito Gorgy.

Magma-maternity leave naman pala naman si Camille.

Ayaw ba nila talagang ilagay si Suzi bilang kahalili?

Para naman may natitirang poste mula sa MARS na nasubaybayan na ng mga tao since seven years ago.

And I stand by my earlier story.

May nakausap akong show insider, malayung-malayo naman sa Unang Hirit ang format nila.

Continue reading below ↓

Promise!!!

JERRY OLEA: Tingnan natin kung mas magre-rate ang bagong Mars minus Suzi.

Baka si Iya o si Chariz ang “susi” para lalong bumongga ang Mars Pa More, di ba?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results