Paghihigpit at komersiyalismo sa Pride March event, inalmahan ng gay director

by PEP Troika
Jul 1, 2019
PHOTO/S: Hubert Tibi via Joselito Altarejos Facebook

JERRY OLEA: Lapastangan ba ang organizers ng 2019 Metro Manila PRIDE MARCH and Festival na ginanap noong Hunyo 29, Sabado, sa Marikina Sports Center?

May tema at pa-hashtag pa man din itong #ResistTogether at ang sabi’y umabot sa 75,000 katao ang dumalo. (May nag-estimate ding 52,000+ ang um-attend.)

PERO binaboy raw ng organizing committee ang diwa ng 50th anniversary ng Stonewall Riots—sa ngalan ng kapitalismo, partikular na sa SPONSOR ng purified water.

Bahagi ng post ni Direktor Joselito Altarejos, nitong Hulyo 1, Lunes ng hapon:

"Andami kong hindi maintindihan na proseso bago makapasok sa loob ng concentration camp, I mean, ng Marikina Sports Center.

"Grabe ang pila hanggang gabi. Maiintindihan ko kung tungkol sa siguridad.

"Pero naman, kung ang gusto ninyong siguruhin ay walang maipasok na mga inumin maski tubig na walang tatak na SIP, bullshit 'yun.

"Kelan pa nagkaroon ng pagkilos na ultimo inumin mo ay dinidiktahan? Dahil sponsor niya.

Continue reading below ↓

"Di ko alam na talagang talamak na ang komersyalismo kahit sa isang kaganapan na nagsusulong ng makabagong mga usapin.

"Di ko maintindihan na sa kabila ng pagtutulak natin ng inclusivity at diversity ay merong patakaran ang komite ng Pride March kuno, ng EXCLUSIVITY, at sa tubig pa.

"Basic na pangangailangan ang tubig, ipinagkakait ninyo ang kalayaan naming mamili kung anong tatak ang iinumin namin?

"AT ang paraan ng pagkuha nito, ha, daig pa ang airport security personnel.

"Sa aking karanasan, bigla na lang kinuha ng volunteer ang tatlong bote ko ng tubig mula sa bag ko.

"Wow!!! Lakas makakumpiska. Grabe makapaniil!

"Pero nu’ng umalma ako at tinanong ko kung ganito na ba ang pinuntahan ng nangyari sa Stonewall Protests 50 years ago, ay di naman siya nakaimik.

"Naipasok ko rin ang mga tubig ko. Pero ‘yung iba, kinumpiska pa rin nila.

"What happened in Stonewall was not a party. IT WAS A PROTEST.

Continue reading below ↓

"Balikan lang natin ang esensya ng ginugunita natin, at iyun, ang sa tingin ko, ang dapat maging gabay, sa pamamaraan, sa mga patakaran na ipinatutupad sa mga ganitong event."

Si Direktor Altarejos ay lumikha ng mga progresibong pelikula na may gay sensibility, gaya ng Ang Lalaki sa Parola (2007); Ang Lihim ni Antonio (2008); Little Boy, Big Boy (2009); at Ang Laro ng Buhay ni Juan (2009).

Kabilang din sa mga ito ang Pink Halo-halo (2010), Laruang Lalake (2010), Unfriend (2014), Kasal (2014), Tale of the Lost Boys (2017), at Jino To Mari (2019).

Kalakip ng post ni Altarejos ay ang edited publicity picture ng nabanggit na mineral water brand at ang caption patungkol sa 2019 Metro Manila Pride March na diumano'y "CHAOTIC. EXCLUSIVE. RESTRICTIVE."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mali naman kasi talaga na ikomersiyo ang isang magandang cause—more so, limitahan (at maging non-inclusive) sa iba.

Dapat managot ang organizers at sponsors dito para hindi madungisan ang lumalaking participation ng Pride March!

JERRY OLEA: Sumama ako sa grupo ng Rainbow’s Sunset na rumampa sa Quezon City lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) Pride March, noong Disyembre 8, 2018.

Nag-umpisa ang parada sa Morato Extension, bumagtas sa Timog Avenue, at kumaliwa sa Sgt. Esguerra Street.

Kahit anong klaseng tubig, puwede roon. Walang bawal-bawal sa brand ng tubig na pwedeng inumin.

Malaya ang participants na bitbitin ang ano mang klase ng purified, mineral, or distilled water.

GORGY RULA: Nakakalungkot na nahaluan ng komersyalismo ang ganoong adhikain.

Pero hindi kasi maitatangging kailangan talaga ng pera.

Kaya lang, Pride March ito na may ipinaglalaban. Hindi ito award-giving body na nadidiktahan ng sponsors.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Hubert Tibi via Joselito Altarejos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results