Maharot na YouTube channel ni Mr. Fu, kailangang i-sanitize

by PEP Troika
Jul 2, 2019

JERRY OLEA: Nakakaaliw ang naughty interviews ni Mr. Fu sa YouTube channel niyang WTFu.

Binubulabog nito ang aliens of the universe, partikular ang mga taga-Uranus.

“Wagas ang aming paniniwala at sampalataya sa inyong produksiyon na napakalaki ng inyong ambag sa paghugis ng nag-iibang kultura ng mga Pilipino,” mensahe ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes kay Mr. Fu.

Kabilang sa mga nakalandian niya sa panayam ang indie actors na sina Josh Ivan Morales, JM Martinez, Migoy Alcantara, Ray An Dulay, Alvin Nakasi, at Jhon Mark Marcia.

Kung kailan lumampas sa 76K subscribers ang WTFu channel, saka ito nagkaproblema sa YouTube.

“Medyo naghigpit ang YouTube sa mga eksena at content sa YouTube, kaya tuloy may mga episode tayo na may mga eksena na hindi aprubado ng YouTube,” himutok ni Mr. Fu sa video na pinost sa YT nitong Hunyo 30, Linggo.

Nakipag-chat kami agad-agad kay Mr. Fu at inurirat kung aling episodes ang tinanggal.

Continue reading below ↓

Aniya, wala namang inalis. In-edit lang muli ng produksiyon ang episodes para maging sanitized at aprubado ng YouTube.

Sabi pa ni Mr. Fu, “Tuloy ang laban ng WTFu. Nag-decide ang production na magkaroon ng isa pang channel sa Patreon na wala masyadong restrictions. P250 ang monthly subscription dito.

“Meron pa ring WTFu sa YouTube. Magiging dalawa lang ang channel. Isa sa YouTube na libre, isa sa Patreon na may bayad.

“Mas magiging mapangahas siyempre ang channel namin sa Patreon kumpara sa channel namin sa YouTube. Mapangahas?!”

GORGY RULA: Malamang na may nag-report niyan.

Ganoon talaga. Isa iyan sa mga risk kapag medyo maharot ang digital program mo.

I'm sure, pinaghandaan na iyan nina Mr. Fu.

Sa kabilang banda, nakakatulong din ang ganyang isyu para magkainteres ang sangkabadingan sa WTFu.

NOEL FERRER: Sana makatulong ang ganitong isyu para lalo pang ma-push ang WTFu.

Sabi nga ni Direk Joey, baka yung free YouTube account ay pang-Catholic Mass Media Awards at Gawad Tanglaw.

Continue reading below ↓

Malay mo naman, di ba? May ganun?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results