Kakai Bautista, back-to-back ang movies ngayong July

by PEP Troika
Jul 3, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Kasama si Kakai Bautista sa BiDawn movie na Family History na ipalalabas sa Hulyo 24, at sa KathDen movie na Hello, Love, Goodbye na showing sa Hulyo 31.

Back-to-back ang promo ng dalawang pelikula.

Pagkatapos ng mediacon ng Family History nitong Hulyo 2, Martes sa Novotel Hotel, Quezon City ay papunta naman siya sa promo ng HLG.

Natatawang sambit ni Kakai, “Happy naman yung problema ko. Good problem yun na, ayun, sabay-sabay ang promo.

“Ibig sabihin, sabay-sabay yung pagod na masaya.”

Nagka-conflict na ba sa schedule ng promo ng dalawang proyekto?

“Wala po. Inayos po talaga namin.

"So, kung sino ang mga naunang nagbigay ng schedule, sila ang nagtagumpay,” matamis na pagngiti ng singer-comedienne.

Aling movie ang mas bet niyang kumita?

Mabilis ang tugon ni Kakai, “Ay! Siyempre, gusto ko, parehas kumita! Di ba?

"Kasi, maganda naman parehas iyong message ng pelikula.

“Ang layo nung sa isa nito... parehas na maganda, e! Ang ganda ng pelikula na ‘to, promise.

Continue reading below ↓

“Ang galing ni Kuya Bitoy. Wala akong ibang masabi kundi ang galing niya! Kung paano niya in-execute...”

Siyanga pala, sa loob ng 24 oras ay umabot na sa 5.9M views ang trailer ng Hello, Love, Goodbye matapos ipalabas noong Hulyo 1, Lunes ng gabi, sa FPJ’s Ang Probinsyano—1.7M sa Facebook, 1.8M sa Twitter, 1.3M sa YouTube, at 1.1M sa TFC.

NOEL FERRER: I just so want these two Filipino films to make money sa box office this July para hindi lang foreign films ang pinagpapalang tumabo sa takilya!

Go, Team Family History! Go, Team Hello, Love, Goodbye!

Itayo ninyo ang bandera ng Pinoy films laban kina Spider-Man, Lion King, at Hobbs & Shaw!

GORGY RULA: Hindi naiwasang pagkumparahin ang trailer ng dalawang pelikulang ito.

Alam mo na kung ano ang itinatakbo ng kuwento ng Hello, Love, Goodbye.

Ang Family History ay mapapaisip ka kung tungkol saan ang takbo ng kuwento.

Continue reading below ↓

Drama kasi raw talaga ito, sabi ni Bitoy, na bukod sa siya ang bida rito kasama si Dawn Zulueta, siya rin ang nagsulat at nagdirek.

“It’s about a relationship na nagkakaroon ng problema, at kung ano nagiging epekto ng isang disease sa relationship,” pagka-describe ni Bitoy sa kanyang pelikula.

Hindi pa rin mawawala ang pagpapatawa, pero ibang atake sa kuwento na doon mo raw makikita ang ‘Tatak Bitoy.’

Iyon daw ang gusto niyang makita ng mga manonood sa pelikulang ito.

“Ang gusto kong tumatak yung ‘Tatak Bitoy,’ tatak Michael V. Lagi kong sinasabi sa interviews na gusto ko, ito ang magiging business card ko.

“Para malaman ng mga tao on how I do things, kung papano ako magdirek, papano ako magsulat, kung paano ako umarte.

“Yung capabilities ko bilang isang total entertainer, yung mailagay ko sana sa pelikulang ito.

Continue reading below ↓

“Madali lang kasi gumawa ng comedy na parang Bubble Gang.

“Siyempre, kailangan namin mag-exert ng effort para makita naman ng mga tao na pinaghirapan, pinag-isipan, pinag-aralan.

"Yun kasi ang isang aspeto bilang filmmaker na gusto kong makita ng mga tao,” sabi pa ng Kapuso comedian, writer, and director.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results