Kiko En Lala ni Super Tekla, itinago muna ng GMA Pictures

by PEP Troika
Jul 3, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Itinago muna ng GMA Pictures ang launching film ni Super Tekla na Kiko en Lala, na Mayo 22 ang target playdate noon.

Sa mga nabitin, abangan si Super Tekla sa Magpakailanman sa Hulyo 6, Sabado ng gabi, sa GMA-7.

Gaganap siya bilang Erwin, na nakamit ang lotto jackpot pero nawala rin iyon sa kanya.

Katapat nito sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ang episode ni Jolina Magdangal bilang Peachy, na maraming tanong na hinahanapan ng kasagutan.

Ang episode na ito ay idinirek ni Topel Lee.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sana maging maingat ang taga-GMA Pictures sa pelikulang ito ni Super Tekla.

Iba ang style ng pagpapatawa ni Super Tekla kung ikumpara mo kay Vice Ganda.

Si Vice, magaling sa cinematic na pagpapatawa at magaling din siya sa live performance.

Si Super Tekla, may ibang style ng pagpapatawa sa live performance na talagang matatawa ka.

Pero kung itawid mo sa screen, di gaanong mabenta.

Kaya dapat na mapag-aralan pa ito nang mabuti ni Super Tekla, o kaya bigyan siya ng magandang material na swak sa personalidad niya at style ng pagpapatawa.

Hindi yung salang lang nang salang!

Sayang kasi kung mapunta lang sa wala ang talento niya. Kaya dapat na pag-aralang mabuti, at pag-isipan kung ano pang puwedeng gawin ni Super Tekla na magugustuhan ng mga manonood.

Itong Kiko en Lala, siguro ay subukang ipanood sa iba pang mas nakakaalam sa comedy.

Kung kinakailangang mag-reshoot o kumuha ng isa pang direktor, sana ay gawin nila para hindi masayang ang lahat ng hirap para sa launching movie ng magaling na komedyante.

Continue reading below ↓

No offense meant po kay Direk Adolf Alix, mas na-appreciate ko kasi ang mga nagawa niyang pelikula na hindi comedy.

Hindi pa siya nasubukan sa pagpapatawa. Mahirap kung ipagsapalaran natin ang launching movie ni Super Tekla na magaling pa naman.

NOEL FERRER: Tama naman yun, to make Super Tekla visible to promote the movie even more by making the artist bankable.

But before Kiko en Lala, kailangang tumodo sa promo sa Family History. Comedy or drama ito or both.

Parang kailangan pang kapitan ito ng mga manonood, lalo pa’t first directorial project ni Bitoy.

Sayang nga, e, baka mas may fighting chance pa itong pelikulang ito kung nag-MMFF.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results