Magaling na aktres, bakit bait-baitan sa mga boss ng TV network?

by PEP Troika
Jul 5, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Pakiwari ng isang magaling na aktres ay aandap-andap na ang kislap ng kanyang bituin.

Isa lang ang regular TV show ng magaling na aktres, at ang ratings niyon ay hindi impressive.

Nakaamba ang tabak ni Damocles sa nag-iisang programa ng magaling na aktres.

Kaya sweet-sweet-an at bait-baitan ang magaling na aktres sa mga diyos-diyosan ng kanyang mother studio.

Kahit matagal pa ang Kapaskuhan, namudmod ang aktres ng baskets of fruits sa mga bossing.

Alam na this!

NOEL FERRER: Naku, naku! Real talent will never go to waste, at least.

Visible pa ang magaling na aktres sa isang significant project na in full display ang kanyang talents—acting man o directing na acting din.

Nakapag-ipon na rin siya at masaya siya sa kanyang buhay.

Hindi na maghihirap, at least, ang aktres na ito!

GORGY RULA: Hindi pa yata matsutsugi ang programa ng magaling na aktres.

May commitments pa iyon sa sponsors.

Continue reading below ↓

Pero nakakabahala na kasi ang di umaalagwang ratings.

Mabuti sana kung okay si aktres sa mga staff niya.

E, tila nairita na raw sa kanya ang mga staff dahil sa kanyang atti.

Saan ba nanggagaling ang mga ganitong tsismis? Sa mga katrabaho rin niya na irita ang ilan sa kanya, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results