Manny Pacquiao, goodbye na sa Kapuso network?

by PEP Troika
Jul 5, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Gaano katotoo na nagulat ang ibang mga opisyal ng GMA-7 na pagkatapos nilang alagaan bilang exclusive Kapuso talent ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ay biglang sa ABS-CBN (and its subsidiaries) siya naka-commit sa coverage at telecast ng kanyang susunod na laban against Keith Thurman sa July 21 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada?

Gaano rin katotoo na dahil dito ay tatapusin na ang airing ng kanyang Stories For The Soul na programa tuwing Linggo ng GMA-7?

So, goodbye Kapuso program na ba talaga si Senator Manny Pacquiao?

JERRY OLEA: Weather-weather ba ito, o pera-pera lang?

Masuwerte ang dating Kapamilya/Hashtags member na si Jon Lucas, nakalipat sa Kapuso Network.

Dahil sa bali-balitang problemado ang franchise renewal ng ABS-CBN, wala na tayong nababalitaang Kapuso star na gustong mag-over-da-bakod.

Hindi kaya nalalapit nang masibak ang Kapuso program ni Pacman kaya mas bet niyang sa Dos ang coverage ng bakbakan nila ni Thurman?

Continue reading below ↓

At any rate, iyong free concert na Manny Pacquiao Live In Concert 2019 slated on September 1 at the Araneta Coliseum ay ipapalabas sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results