Magandang aktres, papalit sa inalis na host ng isang TV program

by PEP Troika
Jul 8, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER: Pagkatapos umalis o inalis ang isang personality sa isang institusyon nang programa sa telebisyon, merong papalit na isang magaling at magandang aktres.

Itataon ding anniversary ng show at katatapos lang ng project ng aktres kamakailan.

Sana, ito na ang hinihintay na second wind ng aktres na ito.

Ipinakiusap at ipinaalam ito sa akin ng mismong tagapamahala ng show na magha-handle sa career niya.

Buong puso ko itong ihinabilin, kasi naman, tatay-tatayan ko ang tagapamahala ng show.

Siya talaga ang in-charge sa projects na dahilan ng pagbabalik-Pinas ng aktres.

Basta, abangan ninyo ang magandang aktres at bubungad na lang siya ulit sa ating TV screens!

Beautiful luck!

JERRY OLEA: Sino ang bubuwelta? Sino ang bubulusok?

Ang magandang aktres ay dating karelasyon ng dakilang aktor.

Darating kaya ang panahon na magkukrus muli ang kanilang landas?

Karelasyon ngayon ng dakilang aktor ang isang tisay na aktres na ilang buwan nang hindi natin nasisilayan sa telebisyon.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kung matutuloy si magandang aktres sa programang ito, mabubuhay kaya ang isyu nila ni dakilang aktor na dati niyang nakarelasyon?

E, itong si magandang aktres din ang nagsasabi sa mga kaibigan niya na hindi ganoon kadakila ang ex niyang aktor.

Isa sa mga araw na ito ay magkikita sila tiyak sa programang iyun, kaya mas mabuting wala nang kanegahan at pareho naman silang nakapag-move on na.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results