JM de Guzman, hindi pa rin tinatantanan ng fans ni Barbie Imperial

by PEP Troika
Jul 8, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Isang magandang dasal ang ipinost ni JM de Guzman nitong Hulyo 8, Lunes, sa Instagram pagkatapos siyang i-bash ng ilang fans na hindi lang ako sure kung supporters ni Barbie Imperial.

Maaaring nasaktan si JM sa ilang komento sa ipinost niyang ‘bottle cap challenge’ noong Hulyo 6, Sabado.

Nakiuso kasi si JM sa kinagiliwan ng ilang celebrities na kung anu-anong gimmick ang ginagawa nila para mabuksan ang takip ng isang bote.

Merong sinisipa o nagba-back flip, nabubuksan na ang takip ng bote.

Ang ipinost ni JM ay akala mo ay may kakaiba siyang gagawin, pero yun pala ay basta lang niya binuksan ng kamay niya ang takip ng bote at nagmuwestrang mag-karate.

View this post on Instagram

????

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Marami ang naaliw, at karamihan sa mga kaibigang artista ay nag-comment na natawa sa ginawa ng Kapamilya actor.

Pero may ilang di magagandang komento na parang pinapalabas na hindi pa rin nagbabago ang aktor. Tila may na-take daw ito kaya high na high.

Continue reading below ↓

Meron pang nag-comment ng “bog na bog na naman.”

Kaya hindi na napigilang sumagot si JM ng “judgemental.”

Hindi ko na nakita ang mga negatibong comments na yun. Maaring tinanggal na o natakpan ng napakaraming positive comments.

Pero nitong Lunes, July 8, isang dasal ang ipinost ni JM.

Meron pa ring mga di magagandang komento na si Barbie Imperial ang ipinagtatanggol, at naba-bash sina JM at Ria Atayde.

Meron na kayang namamagitan kina JM at Ria?

Noong huling nakausap namin si Sylvia Sanchez, hindi raw niya pinapakialaman ang love life ng mga anak niya.

Pero bilang ina, tingin daw niya ay nililigawan ni JM si Ria.

Close si Sylvia kay JM at wala raw siyang tutol.

Ewan ko lang ngayon kung sina JM at Ria na nga ba. Kaya nani-nega sila ng fans ni Barbie?

NOEL FERRER: JM doesn’t owe anyone an explanation.

Kailangan niya lang talagang mag-focus sa pagbibigay ng magandang performance sa kanyang projects na sana ay kapitan ng mga tao.

Continue reading below ↓

He has to prove too that aside from ratings on TV, bibilhin at magbabayad ang mga tao sa kanyang mga pelikula.

Doon masasabing tunay na siyang nakabalik at nayakap muli ng industriya na matagal din nagwe-wait and see sa kanya.

JERRY OLEA: Sa mediacon ng pelikulang Last Fool Show noong Marso 30, ibinunyag ni Arci Muñoz na nagkakamabutihan sina JM de Guzman at Ria Atayde.

Close friends sina JM at Arci, na magkatambal din sa Kapamilya teleseryeng Kapalaran kung saan co-stars nila sina Kiko Estrada, Alyssa Muhlach, at Sylvia Sanchez.

Negatron para sa Team Barbie Imperial kung magiging Bitter Ocampo sila kina JM de Guzman at Ria Atayde.

Hindi kasi kagandahan ang wakas ng relasyon ni Barbie with Paul Salas, remember?

Gusto ba ni Barbie na magkaroon ng reputasyon na kaaway ang lahat ng ex?

Makakatulong ba sa career ni Barbie kung magpapaka-nega kay JM ang kanyang fans & supporters?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results