Kim Domingo, "nagpaputol" ng buhok dahil may pinagdadaanan?

by PEP Troika
Jul 8, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Wig lang pala ang short hair ni Kim Domingo sa mediacon ng bagong drama series nito sa GMA-7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.

Gusto raw niyang magpaputol ng buhok, pero sinubukan lang daw niyang mag-wig muna para hindi siya mabigla.

Kung magpaputol siya ng buhok, wala raw itong kinalaman sa break-up nila ng basketbolistang boyfriend niyang si Michael "Mike" Acuña.

Iniiwasan ng Kapuso sexy actress ang isyung iyon dahil mas gusto raw niyang mag-focus muna sa bago niyang programa.

“Basta happy ako, happy rin siya. Parehas ang desisyon namin, at on good terms kami.

“Walang halong galit sa isa’t isa,” pakli ni Kim sa mediacon nitong Hulyo 8, Lunes.

Nilinaw niyang walang third party involved at walang kinalaman ang career niya sa hiwalayan.

Maayos daw nilang pinag-usapan at hindi raw niya basta-basta makakalimutan ang halos tatlong taon nilang relasyon.

JERRY OLEA: Ayaw nang magpa-sexy ni Kim. Nabantilawan ang kanyang career. Naudlot ang pag-init ng kanyang bituin.

Continue reading below ↓

Masaklap iyong sawi na ang puso mo, e, nganga ka pa sa trabaho.

Ngayong single na uli si Kim, nawa’y makabawi-bawi siya.

Maraming bagong artistang nagsusulputan. Kung tutulug-tulog si Kim, baka maiwan siya sa pansitan.

NOEL FERRER: Ang pinag-uusapan kay Kim Domingo ay ang kanyang wig at ang pakikipaghiwalay sa boyfriend—hindi ang kanyang pagiging mahusay na artista.

Kailan pa kaya? Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results