Character actress Ruby Ruiz, first time nagbida sa pelikula after four decades

by PEP Troika
Jul 9, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Pinakamasigabo ang palakpakan kay Ruby Ruiz sa presscon ng 15th Cinemalaya indie filmfest nitong Hulyo 9, Martes, sa CCP Main Lobby.

Ang 58-anyos na character actress ang bida sa Cinemalaya 2019 official entry na Iska, kung saan ang papel niya ay lola ng isang batang autistic.

“Nangangamoy-best actress!” palatak ng katotong Allan Diones.

Maski si Iza Calzado (bida sa Pandanggo sa Hukay na official entry sa Cinemalaya 2019) ay bet mag-best actress si Ruby.

Natawa si Ruby nang uriratin ko tungkol dito.

Masayang lahad ni Ruby, “Naku! Sana, magdilang-anghel po kayo! At salamat, Iza Calzado!

“She’s a very good friend of mine.

“Ahh, siguro po, maraming nagwi-wish ng ganoon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng iba ang edad ko. Ha! Ha! Ha! Ha!”

First lead role ito ni Ruby, na 18-anyos nang unang lumabas sa pelikulang Bona (1980) bilang kapatid ni Nora Aunor.

Continue reading below ↓

Maliban kina Ruby at Iza, may laban din sa pagiging best actress ng 15th Cinemalaya sina Mylene Dizon (para sa Belle Douleur) at Sunshine Cruz (para sa Malamaya).

NOEL FERRER: It’s a competition of films naman more than the actors.

Worth mentioning din si Meryll Soriano (John Denver Trending), ang unang best actress ng Cinemalaya para sa pelikulang Room Boy (2005).

Andiyan din si Rich Asuncion (Children of the River).

Good luck sa mga pelikula ng 15th Cinemalaya, na ipapalabas sa Agosto 2-11 sa various venues ng CCP.

Sa first 5 days ng Cinemalaya this year ay sa CCP lang palabas ang mga pelikula.

Agosto 7-13 ipapalabas din ang entries outside CCP—selected Ayala Malls and Vista Malls sa Kamaynilaan, at piling sinehan sa Pampanga, Naga, Legaspi, Bacolod, Iloilo, at Davao.

Opening film ang pelikula ni Lav Diaz na Ang Hupa, kung saan tampok sina Piolo Pascual, Joel Lamangan, Pinky Amador, at Shaina Magdayao.

Continue reading below ↓

Closing film ang Mina-Anud, na nasa cast sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, at Matteo Guidicelli.

Pagpupugayan sa 15th Cinemalaya sina Eddie Garcia, Cesar Hernando, at Armida Siguion-Reyna (na mali ang spelling ng pangalan sa AVP).

GORGY RULA: Finally, bida na si Ruby Ruiz.

Sana maganda ang pelikula niya at commercially viable.

Continue reading below ↓

Ang hirap kasi kapag hanggang Cinemalaya lang napapanood ang mga pelikulang kalahok dahil hindi naki-cater sa pangkalahatan.

Sana, puwedeng makatawid sa commercial theaters para marami ang makapanood.

Ika-15 taon na ng Cinemalaya, iilan lang ang nakakarating sa mainstream at hanggang pasali-sali lang sa iba't ibang international filmfests.

Madalas, hindi naibabalik sa producer ang ipinuhunan.

JERRY OLEA: Para sa best actor ng 15th Cinemalaya, andiyan sina Kit Thompson (Belle Douleur), Enzo Pineda (Malamaya), Christopher Roxas (Tabon), at Noel Comia (Children of the River).

Nag-best actor na si Noel Comia para sa Cinemalaya movie na Kiko Boksingero (2017), sa direksiyon ni Thop Nazareno.

Kaagaw nila sa tropeyo ng best actor sina Zyren de la Cruz (Ani), Louise Abuel (Edward, directed by Thop Nazareno), Jansen Magpusao (John Denver Trending), at ang kapwa mapangahas na sina Royce Cabrera & Kokoy de Santos (Fuccbois).

As usual, andaming magagaling na supporting actors and actresses.

Kasama si Ricky Davao sa dalawang pelikula, Ani at Fuccbois.

Continue reading below ↓

Tatlo nga sana ang pelikula ni Ricky this year sa Cinemalaya kung natuloy siya sa Malamaya.

From Fisting na naging Never Tear Us Apart sa Cinema One Originals 2018 filmfest last October, heto at nasa Fuccbois ng Cinemalaya si Ricky.

Titulo pa lang, pasabog na ang mga pelikulang ito.

“Ang Fisting, magmumukhang GP sa Fuccbois!” natatawang bulalas ni Ricky.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results