Anne Curtis, gaganap bilang transman sa MMK; Amy Austria, tampok sa Magpakailanman

by PEP Troika
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: “Ano bang masama sa pagiging tomboy? Tao rin naman ako!"

Gaganap si Anne Curtis bilang transman na si Marrz Balaoro sa Maalaala Mo Kaya sa Hulyo 13, Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Idol Philippines sa ABS-CBN.

Ipinaglaban ni Marrz ang karapatan ng mga LGBTQ+ members.

Ito ang ikaanim na episode sa pagdiriwang ng MMK ng 28th anniversary.

Sa Magpakailanman ng GMA-7, tampok naman sa Sabado ang istorya ng mag-inang Salve (Amy Austria) at Lucila (Pauline Mendoza) na naging magkaribal sa pag-ibig ni Manuel (Neil Ryan Sese).

Sino ang pipiliin ni Manuel—ang ina o ang anak?

Aling episode kaya ang mas interesting para sa sunflowers—ang tomboyan o ang agawan sa lalaki?

NOEL FERRER: Grabe ang gender concerns at agawan ng partners.

Madalas talakayin ang mga ito sa telebisyon ngayon.

Ganito ba sa totoong buhay o nahuhuli na ang tv sa panahon?

Dahil mas may iba at bagong isyu na ukol sa gender at relationship triangles na nangyayari sa katotohanan?

Continue reading below ↓

Sino ba ang mas progresibo sa mga prinsipyong isinusulong—ang MMK o Magpakailanman?

Doon ako sa hindi nagse-sensationalize at sa totoo lamang!

GORGY RULA: Gustung-gusto ng alaga naming si Amy Austria ang kuwento ng Magpakailanman.

Kaya tinanggap niya ito agad pagkabasa ng script.

Ini-expect ko sa episode ni Anne Curtis na hindi de kahon ang atake niya sa role bilang transman. Challenging ito sa kanya.

Kaya nakaka-excite panoorin ang dalawang drama anthology na ito dahil ang gaganda ng mga kuwento.

Noong nakaraang Sabado (July 6), magkadikit sila sa rating, ayon sa AGB NUTAM.

Naka-10.5% ang Magpakailanman, 10.6% naman ang MMK.

JERRY OLEA: Ayon naman sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-23.2% ang MMK episode ni Jolina Magdangal noong Hulyo 6, Sabado, kontra sa 20.6% Magpakailanman episode ni Super Tekla.

Take note na kasama si Ian de Leon bilang Manuel sa Magpakailanman episode last Saturday.

Sa darating na Sabado, Manuel din ang pangalan ng karakter ni Neil Ryan Sese sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results