Coco-Ai-Ai-Jennylyn movie, di nakapasok sa unang batch ng MMFF 2019 entries

by PEP Troika
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Ligwak ang script ng pelikula nina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai Ai de las Alas sa lipon ng First 4 entries ng 45th Metro Manila Film Festival.

Hindi rin nakapasok ang entry ni Robin Padilla, ang Magikland ni Direk Peque Gallaga, maging ang Mindanaw nina Judy Ann Santos at Allen Dizon.

Nagkatalo kasi sa genre.

Sa bawat genre, isa lang ang pasok sa banga:

Fantasy ang Momalland, na bida sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Tony Labrusca, sa direksiyon ni Barry Gonzales. Malamang sa alamang na ito na naman ang topgrosser.

Horror ang (K)ampon, na bida sina Kris Aquino at Derek Ramsay, sa direksiyon ni King Palisoc. Sana, maka-recover na si Kris sa kanyang sakit.

Family comedy ang Mission Unstabol: The Don Identity, bida sina Vic Sotto at Maine Mendoza, sa direksiyon ni Linnet Zurbano. Mag-ama kayang muli sina Bossing at Maine?

Family drama ang Pinoy adaptation ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7, bida sina Aga Muhlach at Nadine Lustre, sa direksiyon ni Nuel Naval.

Continue reading below ↓

Dalawampu’t anim (26) na iskrip ang isinumite, mula sa 22 production companies.

Iyong mga naligwak na script ay puwedeng mag-iba ng genre, at isumite bilang finished film on or before September 20.

GORGY RULA: Nilinaw ng taga-MMFF na isang entry bawat genre ang pinili kaya hindi nakapasok ang entry ni Coco Martin na isang rom-com, at marami pang horror films gaya ng The Heiress ni Maricel Soriano, at ang It-it ni Robin Padilla.

Meron pang Magikland ni Direk Peque Gallaga na isang fantasy, at ang drama na Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor, at ang Mindanaw ni Judy Ann Santos.

Hindi pa rin maiwasang tumaas ang kilay ng iba dahill kasama pa rin ang namamayagpag na box-office stars na sina Vice Ganda at Vic Sotto.

Meron pang nagtanong na kung sa script ang basehan, bakit napili ang Miracle in Cell No. 7 na hindi naman original at adapted sa isang Korean film.

Continue reading below ↓

Ang isa pang tanong: kaya na ba ni Kris Aquino na gumawa ng pelikula kahit sakitin siya ngayon?

“Kakayanin,” sure na sure na text sa akin ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.

Bahagi ng Executive Committee si Senator Bong Go at binanggit niya sa announcement na sisikapin daw nilang maging dalawa ang MMFF next year.

Kung matutuloy ito, hindi kaya magkaroon ng conflict sa taunan ding Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP?

NOEL FERRER: Pinagsa-submit pa rin ang magagandang pelikula at gawing kakaiba ang genre nila mula sa apat na napili na.

Exciting ang labanan sa finished films!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results