Julie Anne San Jose, no comment sa bagong love life ni Benjamin Alves

by PEP Troika
Jul 13, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal

GORGY RULA: Nakaka-relate daw si Julie Anne San Jose sa awiting "I Believe I Can Fly" ni Yolanda Adams pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, lalo na sa kanyang love life.

Napag-usapan kasi ito sa mini presscon niya nitong Hulyo 12, Biyernes, para sa concert niyang Julie Sings Divas.

Gaganapin naman ang concert sa The Theatre at Solaire sa July 20.

Hit songs ng mga sikat na diva gaya nina Barbra Streisand, Celine Dion, Whitney Houston, at Mariah Carey ang nasa repertoire niya.

Sabi ni Julie Anne, sa mga lahat na mga kakantahin niya, itong "I Believe I Can Fly" ang na-inspire siya ngayong single na siya.

“I believe I can fly, and I believe that there are better things na darating sa buhay ko.

“Ganun naman talaga, di ba? Pag may bad things na darating sa buhay, may magagandang mangyayari after,” pahayag ng Asia’s Pop Sweetheart.

Mas nag-e-enjoy raw siya ngayong single siya dahil isa na lang ang focus niya—ang kanyang trabaho.

Continue reading below ↓

“Before… kasi mahirap talaga pagsabayin ang… if you are really passionate about it, mahirap mag-focus sa isang bagay na hinahayaan mo yung isa, na alam mo yung ganung feeling.

“Ako kasi, pag sinabi mong trabaho, trabaho talaga. So, yun ang goal ko.

“Gusto ko i-take time na mahalin ko yung sarili ko lalo,” pakli niya.

Ayaw na ring mag-comment ni Julie Anne sa lumabas na kuwentong nakikipag-date na si Benjamin Alves sa isang model.

“Lahat naman tayo, may kanya-kanyang decisions sa buhay. So, I respect that.

“Basta ako, work muna. Deadma na yun, tapos na yun. Keri na yun,” nakangiti niyang sagot sa akin.

JERRY OLEA: Hmmn, ang ka-“date” muna ni Benjamin ay sina Solenn Heussaff at Direk Adolf Alix Jr.

Ipinost ni Direk Adolf sa Facebook nitong Friday afternoon na en route na sila pa-Montreal, Canada para sa Fantasia International Film Festival, kung saan magwo-world premiere ang horror movie nilang Misterio de la Noche.

Continue reading below ↓

Lalaban ang MDLN sa Cheval Noir section ng nasabing genre film fest.

NOEL FERRER: Bago sana mag-SING ng ibang DIVAS, wish ko na magkaroon si Julie Anne ng hit signature song para magkaroon siya ng tatak niyang hit at anthem.

Good luck na rin sa concert of covers ni Julie Anne.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results