Role ni Judy Ann Santos sa Ang Probinsyano, kay Claudine Barretto dapat?

by PEP Troika
Jul 15, 2019

NOEL FERRER: Winelcome si Judy Ann Santos sa toprating at long-running teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano nitong Hulyo 15, Lunes.

Kasabay nito, nakatanggap si Juday ng pagbati at flowers mula sa Dreamscape Boss na si Deo Endrinal.

Alam natin na ang Starla dapat ni Juday ang papalit sa Ang Probinsyano at kasama sa plano ang pagge-guest niya towards the last episodes para may carry-over continuity promo para sa bagong soap.

Pero mukhang hindi na yun ang magaganap dahil pati ang leading man ni Juday sa Starla na si Raymart Santiago ay may active role na rin sa Ang Probinsyano.

Kaya inaasahang mas lalong lalakas ngayon at mas kakapitan ng mga tao ang teleserye ni Coco.

Kapag nagsanib-puwersa ang mga hukbo nina Coco at Juday, ano kaya ang reaksiyon nila kung mawala ang programa at sakaling hindi ma-renew ang franchise ng pinagpapalabasang network nito?

JERRY OLEA: Umugong noon na papasok si Claudine Barretto sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Kaso, may kondisyon daw si Claudine—tanggalin si Raymart Santiago sa teleserye ni Coco Martin.

E, hindi pwede iyon. Kaya siguro hindi na lang natuloy si Claudine. Teke!

Hindi kaya iyong papel dapat ni Claudine ay “sinalo” ni Juday?!

Just in case, importante pa ba iyon?!

Basta, patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang blessing-in-disguise... bow!

GORGY RULA: So, ang nangyayari ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano, pambayad-utang kung may pagkukulang ang ABS-CBN sa kanilang mga artista?

Hindi pa kasi nila masagot kung kailan na ba talaga ipalalabas ang Starla.

Umabot na ng isang taon, nakatengga pa rin ito.

Kaya ayan, mag-Probinsyano ka muna, Juday, para hindi ka mainip. Parang ganoon ang dating, di ba?

Bukod pa riyan, parehong si Biboy Arboleda ang nagma-manage kina Coco at Judy Ann.

Ang maganda lang, naging tambakan na rin ang FPJ’s Ang Probinsyano ng mga maliliit na artistang walang trabaho.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin bang tila wala ring mga artista ng Star Magic na isinasama sa teleseryeng ito?

Ano ba talaga ang totoong kuwento nito?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results