Idol Philippines at Kapuso Mo, Jessica Soho consistent topraters

by PEP Troika
Jul 16, 2019
PHOTO/S: ABS-CBN, GMA-7

JERRY OLEA: Umarangkada muli ang Idol Philippines nitong nakaraang weekend.

Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, noong Hulyo 13, Sabado, ay nagtala ng 29.7% ang Idol Philippines ng ABS-CBN, kontra sa 17.6% ng StarStruck.

Naka-24.5% ang MMK episode ni Anne Curtis, kontra sa 19.9% ng Magpakailanman episode nina Amy Austria & Pauline Mendoza.

Naka-22.5% ang Home Sweetie Home: Extra Sweet, kontra sa 17.7% ng Daddy’s Gurl.

Naka-20.5% ang Ipaglaban Mo, kontra sa 11.3% ng Tadhana, at 9.2% ng Wish Ko Lang.

Naka-17.1% ang It’s Showtime, kontra sa 13.8% ng Eat Bulaga.

Naka-16.4% ang SOCO, kontra sa 12.3% ng Imbestigador.

Naka-15.8% ang TV Patrol Weekend, kinabog ng Pepito Manaloto na naka-16.0%!

Noon namang Hulyo 14, Linggo, naka-29.2% ang Idol Philippines, kontra sa 17.7% ng StarStruck.

Naka-16.1% ang Rated K, at naka-9.4% ang PBB Otso, parehong taob sa Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-25%.

Naka-23.7% ang Hiwaga ng Kambat, kontra sa 18.3% ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Continue reading below ↓

Naka-15.8% ang Goin’ Bulilit, talbog sa Amazing Earth na naka-16.4%.

Naka-13% ang Banana Sundae, kontra sa 8.9% ng Dear Uge.

Naka-11.5% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 10.7% ng Sunday Pinasaya.

Naka-8.2% ang Gandang Gabi Vice, kontra 6.8% ng The Boobay and Tekla Show.

Naka-1.6% ang Sunday’s Best: Miss Philippines Earth 2019, talo sa SNBO: A Nightmare on Elm St. na naka-3.1%.

GORGY RULA: Iba naman ang nakuha kong ratings ng AGB NUTAM. Bahala na kayo kung alin ang gusto ninyong paniwalaan.

Noong nakaraang Sabado, July 13, naka-5.9% ang 24 Oras laban sa Kuha Mo na naka-5.7%.

Ang Pepito Manaloto na may 6.6% ay nakatapat ng TV Patrol na 6.3%.

Naka-9.3% ang Daddy’s Gurl vs. 8% ng Home Sweetie Home.

Lumamang ang Idol Philippines na 11.2% sa StarStruck na 10.3%.

Pero panalo ang Magpakailanman ni Amy Austria na nakakuha ng 12%, laban sa Maalaala Mo Kaya ni Anne Curtis na 10.5%.

Noong Linggo, July 14, ay lamang ang karamihang primetime shows ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Pero dumikit ang Sunday Pinasaya na 5.2% sa ASAP Natin 'To na 5.4%.

Ganundin ang Dear Uge na 4.4%, laban sa Banana Sundae na 4.5%.

Sinundan ng GMA Blockbuster na 4.9% vs. FPJ on ABS-CBN na 5.8%.

Pagdating ng gabi, ang taas ng 24 Oras na 7.4%, na tinalo ang TV Patrol na 5.8% lamang, at Goin' Bulilit na 6.4%.

Winner din ang anniversary episode ng Amazing Earth na 9.6% vs. Hiwaga ng Kambat na 9%.

Naka-10.7% ang Daig Kayo ng Lola Ko laban sa Idol Philippines na 11.4%.

Nag-overlap ang StarStruck na naka-11% at sinundan ng Kapuso Mo Jessica Soho na 16.6%, samantalang 7.3% lamang ang Rated K, at 4.4% ang PBB Otso.

Consistent na panalo pa rin ang The Boobay and Tekla Show na 4.9% laban sa Gandang Gabi Vice na 4%.

Sumunod ang Miss Philippines Earth 2019 na hindi pa umabot sa 1% ang nakuhang rating.

NOEL FERRER: Parang nawala na ang excitement sa Miss Philippines Earth lalo pa’t naka-press release na kung sino ang nanalo.

Continue reading below ↓

Wala itong maugong na ingay this year, unlike in the past. And unlike the other pageants.

Base sa mga listahan ng mga panoorin sa TV ngayon, hindi talaga natin masisisi ang mga kababayan nating nag-iflix at NetFlix na lang.

Iba lang talaga!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results