Enzo Pineda, pinaghandaan ang paghuhubad sa Malamaya

by PEP Troika
Jul 17, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Pinaghandaan ni Enzo Pineda ang paghuhubad sa Malamaya, isa sa 10 full-length films na magpapasiklab sa 15th Cinemalaya indie filmfest (Agosto 2-13).

“Alam ko po yung papasukan ko sa pelikulang ito and... hinanda ko po talaga ang sarili ko to... like I said, bare myself,” pahayag ni Enzo sa mediacon nitong Hulyo 16, Martes, sa Annabel’s, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“And to be honest with everybody, pinaghirapan ko po iyan.

“Nag-gym po ako para lang... payat kasi ang legs ko, e!

"So, I made a point na mag-work out ako, especially to work on my puwet.

"Kasi, alam ko, makikita sa pelikula. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Tantiya ni Enzo, dalawa hanggang tatlong buwan ang pagwo-work out niya para sa pwetmalung eksena.

“Hindi ako madalas mag-leg work out, pero alam kong film is immortal, so parang I had to exert extra effort para worth it naman sa viewers ang makikita nila.

Continue reading below ↓

“So, it was very challenging for me. Hindi lang po siya parang... game ako na ipapakita.

“I had the mindset na, OK, if ipapakita ko, if I’m gonna show some skin, I have to make the most out of it.

“I have to be ready. Kasi, kung hindi ako handa, I wouldn’t even have the confidence to show something like that on screen.”

NOEL FERRER: It’s one thing na maghubad at maging mapangahas.

It’s another thing kung beyond the shock value ay meron pang ipapakitang excellence si Enzo sa acting at lalamanan niya ng emosyon ang kanyang mga mata.

Aabangan natin kung nagawa niya iyan sa kanyang Cinemalaya 2019 entry, na idinirek nina Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez.

JERRY OLEA: Sa teaser/trailer ng Malamaya na ipinapanood sa mediacon, pasabog ang kahubdan ni Enzo habang kaeksena si Sunshine Cruz.

Continue reading below ↓

Inamin ni Enzo na tinablan siya sa intimate scene nila ng aktres.

“To be honest, childhood crush ko si Miss Shine,” saad ni Enzo.

“To be working with her, grabe! Ang suwerte ko to be working with her.”

Naramdaman ba ni Sunshine na na-turn on siya rito?

Continue reading below ↓

“Actually, hindi ko na ma-recall ang nangyari. Basta, ahhmm, basta ginawa na lang namin yung mga eksena.

“Medyo... it was tough. Kasi, of course, it’s not just me na I’m having a sexual scene with somebody—I’m having a sexual scene with Sunshine Cruz.

“So, bilang lalaki, parang I have to gather a lot of confidence with myself para makisabay lang ako sa kanya...

“To be honest with everybody, bago ako pumunta sa set, ahhmm... what do you call that?

"Kino-condition ko ang utak ko na I’m this type of guy na Sunshine would probably want in her life.

“Kasi, kung hindi ko kayang ma-achieve iyon, hindi rin siya makakakuha ng connection between us.

“Or if I’m gonna act my age, kasi ang totoong Enzo, probably totoy, relaxed lang, simple lang.

"So, I really have to step up my acting din para maging convincing ako sa kanya, at magustuhan din ako ni Miss Shine sa mga eksena.”

Continue reading below ↓

Ano ba ang suot niya sa eksenang na-arouse siya kay Sunshine?

“Parang wala yata...”

GORGY RULA: Naalala ko noong nag-produce kami ng isang entry sa Cinemalaya, ang Intoy Syokoy na pinagbidahan ni JM de Guzman.

Si Enzo ang isa sa una naming inalok, pero hindi pa siya handa noon sa mga mapangahas na role.

Nakausap ko ang mommy niya noon, hindi na sila nagpakita ng interes lalo nang inalok ko na mag-co-produce sila.

May isang producer kasi noon na involved sa Cinemalaya at si Enzo ang gustung-gusto niyang gumanap.

Ngayon, handang-handa na si Enzo. Hinog na hinog na siya.

Inaasahan na ring pati sa akting ay kayang-kaya na niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results