FDCP Chair Liza Diño, umalma sa alegasyong "credit grabber"

by PEP Troika
Jul 17, 2019

JERRY OLEA: Tahasang itinanggi ni Liza Diño-Seguerra na aakuin ng Film Development Council of the Philippines ang gawing dalawa ang festival run ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kada taon, na suggested ni Senator Bong Go.

Si Liza ang kasalukuyang namumuno ng FDCP.

"I didn't say that FDCP is going to handle it (although it is well within our powers and functions to undertake such task) but I said I do support the Senator's idea of having another one in April or May," sabi ni Chair Liza nang maka-chat ko nitong Hulyo 17, Miyerkules ng hapon, via Facebook Messenger.

Lalong wala raw sa hinagap ni FDCP Chair Liza na maging credit-grabber.

Dire-diretsong paglilinaw niya:

"I just mentioned I talked to Senator Bong Go and siya ang nagsabi sa akin about wanting to do more than one MMFF.

"Currently, siya ang counterpart namin sa Senate para mag-file ng 'local movies act' to support the local film industry.

Continue reading below ↓

"Sa Lower House, si Congressman Dan Fernandez ang sponsor ng bill.

"I don't need to 'credit grab.'

"As it is, ang daming ginagawa ng FDCP and I always say it’s not possible kung wala kaming support.

"We can’t do this alone."

NOEL FERRER: The good thing that should come out of this ay ang pakikipagtulungan ng FDCP sa rules na ginagawa for the second MMFF together with the MMFF Executive Committee (Execom), na itinalaga ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Marahil, hindi kanya-kanyang proposal ang ibibigay kundi isang unified MMFF Execom document— like it has always been.

JERRY OLEA: Naka-focus si FDCP Chair Liza sa third Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP), na hudyat ng pagdiriwang na Sandaan: One Hundred Years of Philippine Cinema.

Aba! Mas malaki ang budget ng PPP 2019, at mas marami ang tumutulong.

"DOT is part of it," tukoy ni Liza sa Department of Tourism. "They are sponsoring our biggest event, Sine Sandaan."

Continue reading below ↓

Ikinuwento ito ni FDCP Chair Liza sa mediacon noong Hunyo 11, Huwebes, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

"Sine Sandaan is the history of Philippine Cinema in one big show na a-attend-an ng halos—sana, kung kaya naming pagkasyahin sa New Frontier—2,000 industry people will attend that and will celebrate our 100 Years.

"So, talagang pinaghahandaan namin para maging bongga ‘to.

"Lahat ng era ng Philippine Cinema, iko-cover namin!

"Sa September 12 ito, iyong mismong araw ng 100 Years."

Anu-ano ang iba pang aktibidades ng FDCP kaugnay sa Centennial ng Pelikulang Pinoy?

"September 8, our homage to our living legends. So, meron tayong tribute sa kanila," sambit ni Liza.

"May grand fans day tayo. Para siyang meet-and-greet, interactive. Andoon lahat ng mga artista. May mga booth sila. August 31 sa SMX.

"Tapos, may awards night for the first time, September 15 sa One Esplanade.

"September 12 is New Frontier, Sine Sandaan.

"Tapos, September 13 to 15 iyong Film Industry Conference naman."

Continue reading below ↓

September 13-19 ang PPP 2019, na ang tema ay “Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results