Sharon Cuneta nagpadala ng lechon at pagkain kay Cherie Gil at mga taga-StarStruck

by PEP Troika
Jul 20, 2019
Less than a week since the reunion of Sharon Cuneta and Cherie Gil, the Megastar sent lechon, crabs, and food to Cherie, who was then on the set of StarStruck.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

GORGY RULA: Nakakatuwa ang bonding ng magkaibigang Sharon Cuneta at Cherie Gil. Pagkatapos nilang mag-reunion kamakailan, nagulat si Cherie nang may dumating na mga alimango, lechon, kakanin at cake nitong Hulyo 19, Biyernes, sa GMA studio ng StarStruck.

Padala pala iyon ni Sharon para kay Cherie at sa mga kasamahan nito sa StarStruck. Kaya tuwang-tuwa ang mga taga-StarStruck sa masaganang hapunan na pinagsaluhan nila.

Kaagad na ipinost ni Cherie sa Instagram ang pasasalamat sa Megastar.

Sabi niya, "I love love you @reallysharoncuneta look how happy you made my #Starstruck family and of course me! SAAARRRAAAP GRABE. I’ll never forget this again. Another one of your many generous acts of love in my life. Thank you @lechon_diva the best!"

Continue reading below ↓

Di ba, nag-reunion silang dalawa kamakailan kung saan ni-reenact pa nga nila ang sikat na eksenang "You're nothing but a second-rate trying hard copycat nina Dorina Pineda at Lavinia Arguelles?

Sa Bituing Walang Ningning (1985) ba nabuo ang friendship nilang dalawa, Sir Noel? Ang pagkakaalala ko, sa pelikulang Sana'y Wala Nang Wakas (1986) talaga sila naging best friends. Bakit hindi kasama si Dina Bonnevie sa reunion?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Naku, ang nagwagi sa pakain na iyan ay si Pepita, ang Pinakamasarap na Stuffed Lechon at ang gulong-gulong-sa-sarap experience sa kanilang mga pagkain, including the award-winning dessert!

Well, iyan ang effect ng Megastar, it transcends network barriers. Nakakatawid-tawid siya, pati pagkain niya, nang hindi nadidisgrasya!

Commitment ng Batch 22 ng Ricky Lee Scriptwriting Class namin ang makapag-pitch sa dalawang icons na ito, sina Sharon at Cherie, ng magandang film reunion project! Excited akong makita ulit sila sa screen kahit nga sa patikim na commercial lang muna! I love Sharon and Cherie!

JERRY OLEA: Ni-repost ni Sharon ang post ni Cherie. Binati ni Mega ang mga taga-StarStruck. Tungkol kay Dina, di na ako updated sa kanya. Di na kailangang intrigahin siya kaugnay sa friendship nina Sharon at Cherie. Sana, kasama si Dina sa mga sasabuyan ni Cherie/Lavinia ng tubig o alak.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Less than a week since the reunion of Sharon Cuneta and Cherie Gil, the Megastar sent lechon, crabs, and food to Cherie, who was then on the set of StarStruck.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results