Kathryn-Alden movie, malampasan kaya ang box-office gross ng KathNiel movie?

by PEP Troika
Jul 22, 2019
Papantay o lalapit kaya ang kita ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye sa KathNiel movie na The Hows of Us?
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA: Kinabog na ng Avengers: Endgame ang worldwide (domestic + international) gross ng Avatar.

As of July 21, Sunday, umabot na sa $2.790B ang worldwide gross ng Avengers: Endgame, na ipinalabas muli sa mga sinehan with additional footage.

Pumangalawa na lamang ang Avatar na nagtala ng $2.789B.

Ang tatlo pang pelikula na lampas $2B ang worldwide gross ay Titanic ($2.187B), Star Wars: The Force Awakens ($2.068B), at Avengers: Infinity War ($2.048B).

Hindi adjusted sa inflation ang grosses na mga ito.

Sa Pilipinas, ang pinakamalakas na pelikula ay ang The Hows of Us na pinagbidahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Papantay o lalapit kaya roon ang kita ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye na magso-showing sa Hulyo 31?

GORGY RULA: Maayos ang promo ng Hello, Love, Goodbye.

Nakikitang may kilig ang tandem nina Kathryn at Alden.

Totoo bang nagseselos na raw ang ibang KathNiel fans?

Continue reading below ↓

Pero ang sipag ng fans ni Kathryn, e. Masigasig silang mag-promote at mukhang suportado ng KathNiel, pati ng AlDub fans.

Kaya inaasahang napakaganda ang resulta nito sa box-office.

Hindi lang ako sure kung kaya nitong lagpasan ang kinita ng The Hows of Us. Tingnan natin.

NOEL FERRER: Sa ayos ng promo nga ng Hello, Love, Goodbye, sabi ng mga taga-sinehan, sana ay mapantayan man lang ng taga-GMA Pictures na Family History ang promo nito.

Habang all-out ang mga sinehan sa pagbibigay suporta kay Bitoy, hindi pa rin ganoon karamdam ang showing nito.

Oh well, Bitoy is more of an icon than Alden.

Although, let’s admit it, si Alden ang flavor of this season.

Sana mapantayan man lang ng GMA ang ingay na na-create ng Star Cinema if they want to make an impact in filmmaking again.

At teka, wala bang international premiere/screenings ang Family History? Sayang naman!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Papantay o lalapit kaya ang kita ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye sa KathNiel movie na The Hows of Us?
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results