Forty-something actress, dinedma ng thirty-something actress sa premiere night

by PEP Troika
Jul 24, 2019
Nagulat ang forty-something actress dahil nang binati niya ang thirty-something actress sa magaling na performance sa pelikulang pinanood nila, parang hindi siya narinig nito.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Matapang ang mukha ng forty-something na aktres, kaya relegated siya sa kontrabida roles nang mag-artista siya mula noong dalaginding siya.

Talentado ang hitad at may karapatan siyang sabihin ang linya ni Joanna Ampil sa iWant digital series na Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken, “May Urian ako!”

Maldita at mahadera man ang mga karakter sa TV at pelikula, mabait ang premyadong aktres sa totoong buhay.

Mahal siya at pinagmamalasakitan ng mga kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz.

Maganda ang disposisyon ng aktres sa buhay. Good karma siya.

Sa premiere night ng isang pelikula kung saan suporta siya, nang makita niya ang thirty-something actress na isa sa dalawang bida ay magiliw niya itong binati.

Pagkatamis-tamis ng kanyang ngiti rito, pero ang bidang aktres ay tila bingi at bulag.

Parang wala itong narinig o nakita. Deadma nang bonggang-bongga.

Natigalgal ang forty-something na aktres.

Continue reading below ↓

Anong kabalbalan ito?! Bakit inisnab siya ng bidang aktres gayong wala siyang ginawang buktot dito?

Premyado na rin ang mas bata at supladitang aktres, pero wala siyang “K” na ipangalandakan ang dialogue ni Mylene Dizon sa ABSST3: TRUSOJB, “Mas may Urian ako!”

GORGY RULA: Nagulat ang forty-something actress, kasi noong binati niya ang thirty-something actress sa magaling na performance sa pelikulang pinanood nila, parang hindi siya narinig.

Sa halip, binati ng nakababatang aktres ang ibang kaibigan na niyayang mag-inuman na.

Pinag-uusapan ng mga bading, bakit parang hindi talaga type ni thirty-something actress ang nakatatandang aktres na nagmagandang-loob na batiin siya?

Baka naiinggit itong nakababatang aktres sa magandang married life ng mabait na aktres?

NOEL FERRER: OK lang. You can’t have it all.

May maganda ka na ngang performance sa pelikula, pero sa personal na buhay, olats ka naman.

Buti pa itong mabait na aktres, may Urian na, buo pa ang pamilya. Saan ka pa?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang forty-something actress dahil nang binati niya ang thirty-something actress sa magaling na performance sa pelikulang pinanood nila, parang hindi siya narinig nito.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results